Wednesday, February 24, 2016

9 Reasons Why You Must Stop Joining Online Paluwagan





Friend isinulat ko to hindi dahil sa galit ako sa online paluwagan kundi para mamulat ka sa katotohanan na hindi nag-i-improve ang skill mo sa gawain na ito.Meaning hindi nagle-level up at nag-e-evolve ang skill mo.

Walang progress na nangyayari.Oo siguro kumita ka nga dito pero hindi ka umaasenso in terms of marketing skill at ethical na mga paraan.Hindi mo rin matutunan mag-negosyo dahil hindi naman business ang online paluwagan.Unlike sa totoong negosyo,you will learn many different skills from your experience.

I hope these reasons will help you think na kailangan mo na kumawala sa kalakarang ito.


All Online Paluwagan is destined to die

The truth about online paluwagan is that eventually mawawala rin.Marami na akong nakikita na nag-trending sa ikling panahon lang,pagkatapos nawawala na at ang pera na binayad nawala rin, gone with the wind.Kawawa yung hindi pa nakatanggap ng pera.


Online Paluwagan is not Paluwagan

Alam naman natin na hinahaluan ng matrix system ang online paluwagan.So nagiging pyramiding na ito.Hindi kagaya sa typical na paluwagan na sa opisina o sa magkakapit-bahay nag-o-operate, malaki ang tsansa na makukuha mo ang pera dahil mga ka-close mo ang mga kasali,at may cycle kung sino ang tatanggap sa itinakdang araw para lahat makatanggap ng pera.Lahat magkakapareho ang dami ng pera na natanggap sa isang cycle.

Sa online paluwagan ang mga kasali nakikita mo lang sa facebook at hindi sa personal.Para makakuha ka ng pera ay kailangan mo mag-recruit.


Walang produkto

Sa online paluwagan kikita ka mula sa referrals at sa kompleto na nabuong matrix.Pero wala siyang produkto.So nakadepende ang kita mo sa recruiting lang at konti mula sa referral.

Di katulad sa networking ay may produkto,kaya may dagdag kita at hindi lang nakadepende sa recruiting.


Hindi lahat nakakatanggap ng pera

Dahil nga sa hinaluan siya ng matrix,mga hindi kakilala mo ng personal at sa facebook mo lang nakikita ang mga kasali,mga taong hindi trained sa ethical na marketing strategies, ay malaki talaga ang posibilidad na mawawala lang ang online paluwagan kaya may mga bagong pasok ang di makakatanggap ng pera.

Marami na akong nakikita na mga miyembro ang nadidismaya at galit dahil huminto na at hindi nabigyan ng refund.Kung nakatanggap man kulang ang pera na bumalik sa kanila dahil nga namamatay na ang sinalihan nila na online paluwagan.


You're gambling

Dahil madali lang mawawala ang online paluwagan kailangan mong mauna sa hierarchy ng matrix para sure na magkakapera ka.Kasi kapag nasa baba ka malaki ang tsansa na maabutan ka ng pagkamatay nito.So unahan nalang.Ang nasa last talo.


Walang ethical na training

Hindi ka tinuturuan ng makabagong marketing strategies kung paano kikita.Ang ginagawa mo lang lagi ay mag-post sa mga fb groups at kumausap sa mga friends sa fb.Alangan naman gumamit ka ng makabagong paraan kung pyramiding ang ginagawa mo,masisira lang ang pangalan mo.Kasi isa sa mga makabagong paraan ng pagma-market ay i-brand ang iyong pangalan at mukha para malaman ng mga interested na prospects na totoo ka.


Will not urge you to start your own business

Sa mga online business ngayon,uso na ang mga membership site kung saan nagko-coach at nagtre-training kung paano patakbuhin ang business online ethically and effectively.
Tinutulungan ka pa at pino-push mag-start ng sarili mong negosyo.Sulit ang bayad mo dahil marami kang natutunang makabago at may negosyo ka pa.


YOU ARE NOT GROWING!

Gusto mo bang sa online paluwagan ka lang palagi?Palipat-lipat ka kung may panibago.Gusto mo nalang ba mag-post lagi sa mga fb groups?Gusto mo bang hanggang dito ka nalang hindi umasenso in terms of effective online marketing. Ayaw mo ba sa panibago kung saan ang mga tao na ang kusang lumapit at gustong kumausap sa iyo para bumili o sumali sa business mo?

Mag-grow ka naman para di masayang ang mga oras mo sa mga hindi ethical na gawain.

Alam mo may mga business naman diyan na malinis na paraan ang kanilang ginagawa.Business na epektibo.

Pwede ka naman mag-negosyo mula sa hilig mo.Mag-research ka kung paano ito palalaguin,yun ngang di mo na kailangan pang mag-benta o mag-invite sa lahat ng tao at sila na mismo ang kusang lalapit sa iyo.

Kung gusto mo mapadali at di maubos ang oras mo sa kase-search ay sumali  ka sa isang membership site para mapadali ang pag-asenso mo dahil doon may mga training,marketing tools at online seminars(webinar) na nagtuturo kung paano i-market ng mabuti at kikita mula sa malinis at epektibo na paraan.


Hindi Legal

Ang isang online paluwagan ay hindi legal.Gusto mo ba gumawa ng illegal?



Denden Mangubat is a learner, Internet Marketer and Blogger. After learning from different sources, he decided to share what he learned through his blog posts.

He is happy sharing what he learned, strategies and techniques in order to help you in some ways. If you think this page will benefit someone please LIKE or SHARE this. Please add some ideas and say something in the comment box, He loves to learn!

To your success on earth and in heaven!

Learn More

0 comments: