Ano ang Paluwagan at Ano ang Maitutulong Nito Sa'yo
Ang Paluwagan ay isang Pilipinong terminolohiyang pinansyal. Isang paraan ng pag-iipon ng pera. Popular ito sa Pilipinas. Sa mga bisaya tinatawag itong dawat-dawat.
Kadalasan itong pinapraktis ng mga magkakaibigan, magkakapit-bahay, magkaka-trabaho o magkamag-anak.
Ginagawa ito upang makapag-ipon ng pera at makukuha sa tinatakdang araw ayon sa pinagkasunduan ng mga miyembro o sa pamamagitan ng pag-raffle kung sino ang mauuna, pang-pangalawa, pangatlo o huling makakakuha ng perang inipon. Pwede ito gawin ng arawan, lingguhan o kada buwan.
Paano gumagana ang Paluwagan?
Para gumana ang Paluwagan kailangan lang ng kahit tatlong miyembro. Ang bawat miyembro kailangan mag-contribute ng parehong amount ng pera. Sa grupo kailangan may isang kolektor sa mga contribution.
Example scenario:
May tatlong tao na gustong magpaluwagan at ang napagkasunduang amount ng perang i-contribute ay 500 at every sunday ang ambagan.
Si member 1 ay nag-ambag ng 500, ganun din si member 2 nag-ambag ng 500 at si member 3 nag-ambag din ng 500. Kaya, 1,500 lahat ang pera na naipon.
Ngayon, kailangan nilang pumili kung sino ang unang makakatanggap ng 1,500 na naipon sa unang sunday, sino ang pangalawa sa ikalawang sunday at pangatlong makakatanggap sa third sunday. Para makatanggap ang lahat ng miyembro, kailangan nila magbayad sa tatlong sunday. Ang cycle ay pede gawin ng paulit-ulit.
Paano naman kung marami ang kasali?
Kikita ba ako sa Paluwagan?
Ang sagot ay hindi dahil hindi tumutubo ang pera nag-iipon ka lang. Sa scenario nakita naman na hindi kailangang sumali sa paluwagan para lang makapag-ipon ng 1,500. Pede naman gawin sa sarili.
Bakit may sumasali sa Paluwagan?
- Unang rason kung bakit may sumasali sa Paluwagan ay madali lang makapag-ipon ng pera. Hindi na kailangan pang mag-hintay ng mataas na panahon para lang makaipon ng gustong halaga dahil sa tulong ng mga members ay napadali ang pagbuo nito sa ikling panahon lang.
- May gustong bilhin na bagay na may kalakihan ang presyo.
- Para madaling makaipon ng sapat na pera pang-invest sa negosyo.
- Wala lang, gusto lang makapag-ipon.
Anong mga problema at panganib na maaring makaharap ang Paluwagan?
- Magkakaproblema ang paluwagan kung di makapag-ambag ang isa o ilan sa mga miyembro sa itinakdang araw at oras dahil di sapat ang pera na maiipon,kaya kulang ang matatanggap ng miyembrong itinakdang tumanggap sa araw na iyon.
- Magkakaproblema din kung may miyembrong mag-backout sa kalagitnaan ng aktibidad lalung-lalo na kung nakatanggap na ito ng pera.
- Malaking problema kung itinakbo ng kolektor ang perang naipon mula sa mga miyembro.
- Mataas ang risk kapag ikaw ay nasa huli ng mga tumatanggap.
- Pwede ito pinagmulan ng away dahil lang sa may di makapag-bayad.
Bentahe sa pagsali sa paluwagan
- Pinipilit ka nitong mag-ipon. Kung hindi mo pa nasubukang mag-save ng pera dahil sa pinagpaliban mo muna o kaya'y di mo lang ginagawa, dito matuto kang nang mag-ipon.
- Di mo madudukot ang naipon na pera. May mga taong nag-iipon ng pera pero natutuksong kunin ang pera sa alkansya kahit di pa ito puno. Pero sa paluwagan matuto kang maghintay.
- Matuto kang magbayad sa napagkasunduang araw at oras. Sa paluwagan kapag di ka nakapagbayad on time apektado ang mga members. Kaya magiging habit mo ang pagbayad sa tamang oras.
- May time kang mag-isip kung ano ang gagawin mo sa pera. Kung ikaw ay hindi sa mga pangunahing makakatanggap ng pera, may time ka pang mag-isip ng mabuti kung ano ang pinakamagandang gagawin sa pera kung ito ay matanggap mo na.
- Kapital sa negosyo. Kung ikaw ay nasa mga pangunahing makakatanggap ng pera pwede mo gamiting ang pera sa negosyo o mga side income para di ka mahihirapan makapagbayad tuwing koleksiyon ng pera sa paluwagan. Kung nasa hulihan ka naman siyempre pwede rin pang-capital.
Anong mga dapat gawin bago sumali o bumuo ng paluwagan?
Kung may nag-invite sa yo sa Paluwagan o kaw na mismo ang bubuo nito ang una mong dapat gawin ay alamin kung sinu-sino ang mga miyembro para makapag-background check ka.
Dapat mo ding alamin kung may kakayahan ba silang magbayad sa halagang napagkasunduan sa takdang araw at oras.
Ang kolektor dapat bang mapagkakatiwalaan baka naman kapag nakolekta na ang mga pera ay biglang maglaho.
Alamin mo din kung bakit sila sumasali sa paluwagan. At sa sarili mo, kaya mo bang magbayad hanggang matapos ang cycle, mapagkakatiwalaan ka din ba.
Final Thoughts
Hindi naman masamang magpaluwagan kasi nakakatulong ito sa atin. Ang perang malilikom mula sa mga miyembro ay pede mo naman gamitin sa negosyo. Kailangan lang talaga munang suriin kung ano ang mga kailangan gawin para maiwasan magkakaproblema sa Paluwagan. Sa bandang huli kaw pa rin ang magdedesisyon kung anong method of savings ang gusto mo.
Basahin mo din to: Ano ang Online Paluwagan
Free Ebook
Libre lang to! Claim Your FREE Paluwagan List Sheet Now by Joining Our Email List!
Subscribe
What if 150 every week , 8 members ,and 8 weeks to pay?
Contribution amount per week: 150 pesos
Number of members: 8
Duration of the paluwagan cycle: 8 weeks
Total amount pooled per week: 150 pesos x 8 members = 1,200 pesos
Total amount pooled:
1,200 pesos/week x 8 weeks = 9,600 pesos
Yan po.