Ano Ba Dapat Ang Ipangalan Sa Facebook Business Page Mo

picture na may salitang Facebook


Gusto ko lang itong isulat dahil maraming nag-invite sa akin na mag-like sa kanilang Facebook business page.

Nako-confuse ako dahil sa mga nag-invite na parehong pangalan ng product ang kanilang mga fan page.

Nalilito ako kung alin sa mga fb page na'to ang i-like ko dahil nga sa pare-pareho sila ng pangalan.

Kaya ang ginawa ko ay binusisi ko muna ang mga pages na'to kung alin sa mga ito ang official na business page ng isang produkto para yun nalang ang i-like ko.

Pero aking nalaman na ginawa lang pala ito ng mga internet marketer at network marketer.

Kaya wala na akong ni-like kapag gawa lang ng isang marketer ang business page na ipinangalan sa produkto o sa company.

Gusto mo ba mag-like sa mga Facebook business page na magkapareho ang mga pangalan? di naman di ba.

Well, I admit na ginawa ko rin to noon pero itinigil ko na dahil ang paraan na to ay hindi naman gaano ka-epektibo on the side of the marketer dahil ang pinasisikat lang natin lalo ay ang kompanya at pangalan ng produkto hindi ang pangalan natin.
Kapag maraming fan page na magkapareho ang pangalan, ang nangyayari kino-confuse lang natin ang mga prospect kung saan ba sa mga pages na to dapat bumili.

At saka, ang mag-register sa utak ng prospect pag gusto na niya bumili sa produkto ay didiretso siya sa company, imbis sa'yo sana bumili kung ang pangalan mo ang ipinangalan sa business page mo.

See! ang tendency liliit ang tsansa mo na may bibili sa produkto mo dahil may kapareho kang pangalan na business page.

May negative din siyang epekto kapag marami na ang magkakapareho na pangalan ng business page, akalain na tuloy ng ilan na scam ang page dahil may kapareho na pangalan ang official page ng company o produkto.

Ang isa pa sa dahilan kung bakit pangalan mo ay kung magsara ang company na sinalihan mo ay magagamit mo pa rin ang page dahil nakapangalan sa'yo. Mawawalan ng trust ang mga nag-like sa page kung ang pangalan ng page ay yung sa nagsara na company, lalung-lalo na kung nabahiran ito ng kontrobersiya.

Pwede mong gawin na ang pangalan ng Facebook page mo ay pangalan mo mismo. Mas gusto kasi ng mga tao na ang kanilang pina-follow ay pwede nila mapagkwentuhan at yung buhay na nakakausap. Nakakapag-build kasi ito ng trust.

Ang ipangalan mo sa page mo ay pangalan mo na buo. Pwede rin ang mga ganito,

"Journey To Success With Juan De La Cruz"

"Juana De La Cruz - Beauty Products Seller"


 Conclusion

Therefore ang dapat natin ipangalan kapag gumawa ng Facebook business page ay pangalan mo nalang. Sa ganito mababawas ang kompetisyon dahil unique ang pangalan mo.

Kapag gusto na bumili ng mga prospect sa isang produkto ang maalala niya ang pangalan mo. Ikaw na nagbebenta ng produkto.

P.S. Baka makatulong in naming your page: Tindahan name generator


Free Ebook

Get instant access to the ebook by subscribing to our newsletter.

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url