Bakit Kailangan May Extra Income Sa Bahay
Marami nang mga tao ang natulungan sa pagkakaroon ng additional source of income. Kaya walang rason kung bakit di ka mag-extra income.
# 1. Makakabudget Ka Ng Mabuti
Nandiyan yung pinipilit natin magkasya ang budget natin dahil nahihirapan tayo kasi hindi sapat ang sweldo. Pero kapag may sideline, matutulungan tayo na magkasya ang budget.
# 2. Madaling Mababayaran Ang Utang
Marami sa ating mga pinoy ang may utang. Kaya kung nahihirapan kang makabayad sa utang mo kahit may income ka naman galing sa trabaho mo i-consider mo na ang pagkaroon ng ekstrang income.
# 3. Pang-backup
Kahit may trabaho tayo hindi kasiguraduhan na magtatagal ang ating trabaho. Kung sakaling magsara man ang kompanya na pinapasukan natin and least may pang-backup tayo na kitaan.
# 4.Less Stress
Isa sa mga nakaka-stress sa atin ay ang hindi sapat ang sweldo. Nahihirapan tayong mag-cope sa sitwasyon. Sa pamamagitan ng pag-eekstra income matutulungan tayong maibsan ang stress natin tungkol sa pera.
# 5. Makapag-ipon.
Nandiyan yung nahihirapan tayong mag-save dahil kailangan natin gumastos sa pangangailangan sa buhay tulad ng pagkain, tubig, kuryente, damit at iba pa. Kaya konti nalang ang natira at dito'y nahirapan kang mag-ipon. Kaya need mo talaga ang pagkakaroon ng extra income.
# 6. Maaabot Mo ng Madali ang Financial Goal Mo
Kahit anong gusto mo matutupad gaya ng magka-family vacation, magkaroon ng emergency savings fund, magbayad ng utang, magplano sa retirement, etc. , Makakatulong sa iyo na madali mo itong ma-achieve.
# 7. Stepping Stone Sa Pagkakaroon Ng Sariling Negosyo
Sa pagkakaroon ng multiple streams of income, dito ka magkakaroon ng experience sa pagpapatakbo ng negosyo at dito mo malalaman kung saan sa mga sideline mo ay experto ka at pwede ka lumago.
Mga pwedeng pagkakitaan sa bahay
- Sari-sari store. Hindi mawawala ito dahil parte na ng buhay nating mga pilipino ang makikitang kada kalye ay may tindahan. Ang unang lumabas sa isip ng mga tao kung may kailangan silang bilhin ay ang sari-sari store. Kaya kung may sapat ka nang ipon, pwede ka magpatakbo ng ganitong negosyo. Advantage kung sa mataong lugar para kumita ka ng more than isang libo sa isang araw. May iilan pa nga na kumita lampas sampung libo.
- Online Selling. Ang kagandahan sa online selling ay di mo kailangan gumastos ng marami dahil computer, internet, product suppliers, at logistic partners, pwede ka nang umarangkada. Di katulad sa physical store na gagastos ka ng malaki sa set-up at mga operational cost.
- Food Business. Lahat ng tao kumakain araw-araw. Kaya isa to sa mga profitable na business. Kahit saang lugar may mga nagtitinda ng pagkain dahil saleable ang business na ito. Kailangan mo lang maging unique at creative para mag-stand out.
- RTW. Isa rin sa mga pambahay na extra income ay ang pagbili ng bulto ng mga rtw sa mababang puhunan at ibenta through live selling sa Facebook.
- Beauty Care. Kung marunong kang gumupit ng buhok at mag-pedicure at mag-manicure, pwede rin itong pang-side income. May libreng kurso pa nga ang tesda sa mga gustong matuto nito.
- Errand Service. Kung may kapitbahay kayo na di matapos ang gawain dahil busy siya sa kanyang ibang gawain pwede ikaw ang gumawa at bayaran ka sa serbisyo mo. Example: ikaw ang mamalengke para sa kanya, magtapon ng basura, at maglinis ng bahay.