Mga Pampaakit ng Customer sa Tindahan
Ang ating mga mamimili ay ang lifeblood ng ating tindahan. Kung matumal ang benta hindi natin ma-roll agad yung pera para pambili ng paninda. Kaya kailangan natin ng pampahatak.
Katulad ng mga malalaking tindahan na gumagawa ng mga paraan para mapataas pa ang walk-ins sa store nila, ang ating humble na sari-sari store ay dapat ganun din, gagawa din ng mga pamamaraan na maakit ang mga mamimili.
Pampa-attract ng mga Mamimili
Kailangan natin ng pampa-attract sa tindahan para makahatak tayo ng mga bagong mamimili na sa tingin natin hindi pa nakapunta sa ating tindahan. Kailangan natin sila mapapunta sa ating tindahan para hindi lang bumili sa ating mga paninda kundi makapag-umpisang bumuo ng relasyon sa kanila.
Pag-display ng mga paninda
Kung paano dini-display ang mga paninda ay nakakaambag sa pag-akit ng mga mamimili na pumunta sa ating sari-sari store. Kapag nakita nila na maganda ang pagkakaayos at madaling makita ang mga paninda sa loob, magdudulot ito sa kanila na maging mausisa at posibleng mauwi sa impulse buying o yung pagbili agad nang wala sa plano.
Para madaling makita ang mga paninda, dapat daylight ang kulay ng ilaw at yung wallpaper o pintura sa loob ng tindahan ay kulay puti. Kung puti kasi ang background ay malinis ito tingnan at lumulutang ang kulay ng mga paninda. Dapat din nasa eye level ang mga paninda.
Sa pagdisplay ng mga produkto, dapat nakaharap sa mamimili ang pangalan ng mga paninda para kung makita nila habang naghihintay ng kanilang torno na bumili o habang naghihintay sa sukli ay makikita nila ang mga paninda na sa tingin nila kakailanganin nila balang araw.
Disenyo
Ang disenyo ng tindahan ay nakakapag-contribute din ng paghatak ng mga bagong customer. Hindi naman importante na sobrang elegante ang design basta ang disenyo nito ay sa unang tingin pa lamang, alam na nila na ang nakita nila ay isang sari-sari store.
Kung maaari ang disenyo ay hindi pa rin lalayo sa typical na sari-sari store. At saka kapag may tarpaulin ng eloading na nakakabit malalaman nila agad na isa itong tindahan. Dagdagan mo pa ng pinturang yellow o pula, madali nilang makita ang tindahan.
Waiting Area
Kung ang sari-sari store ay may lugar kung saan may bangko na mauupoan, makakahatak ito ng mga customer at maaaring magtagal pa sila sa tindahan. Kailangan lang na kahit nakaupo sila ay tanaw pa rin nila ang mga paninda.
Mas pipiliin kasi ng mga mamimili ang sari-sari store na may bangko. Kung may nakauna sa kanila na bumili hindi sila mababagot at mapapagod, kasi komportable sila habang naghihintay.
Freebies
Ang palibre ay isang paraan para maghakot ng mga magiging parokyano sa ating sari-sari store kung tayo ay bagong bukas. Sa paraang ito, magbibigay ito ng impormasyon sa mga tao kung saang banda ang ating tindahan dahil pupuntahan nila ito dahil sa palibre.
Sa paraan ding ito inilagay natin sa mapa sa ating lugar ang ating sari-sari store para maging isa sa mga option ng mga tao - kabilang na tayo sa pagpipilian ng mga tao na tindahan kung may gusto na silang bilhin.
Tingnan mo ang ibang sari-sari store
Isa din sa mga paraan para malaman kung paano mag-attract ng mga mamimili sa ating tindahan ay ang pag-aralan natin ang ibang sari-sari store. Kung nakikita natin sa kanila na marami silang parokyano, pag-aralan natin kung bakit at paano nila nagawa.
Kahit meron pa silang parokyano pwede pa rin tayong makipag-kompetensiya sa pamamagitan ng paghahanap ng mga kakulangan sa kanilang tindahan.
Halimbawa, may sari-sari store na maraming tinda pero wala silang tindang hinahanap ng partikular na customer, dito pwede tayo magtinda ng produkto na hinahanap ng customer na iyon.
Isa pang halimbawa, may magandang sari-sari store na puno ng paninda na parang lahat ng hinahanap ng mga mamimili ay nandun na pero kulang sa customer service – dito pwede ka makipag-compete sa pamamagitan ng pag-develope ng mas deeper na personal na relasyon sa mga mamimili.
Basta tingnan mo lang ang iyong mga competitor kung ano ang kanilang mga ginagawa, may mali ba silang ginagawa? at kung meron doon ka mag-capitalize sa butas na iyon para makahanap ng mga bagong customer.
Ang Pagpapanatili ng Customer ay Mas Mahalaga Kaysa sa Pag-akit
Kahit may mga pangbingwit pa tayo para lumapit sa ating tindahan ang mga tao kung hindi naman natin sila magagawang mapabalikbalik , walang silbi ang ating effort sa paghatak sa kanila. Mahalaga na gawin nating loyal ang ating mga customer sa ating sari-sari store para ma-secure natin ang daloy ng kita.
Availability
Isa sa mga pinaka-importanteng paraan para bumalik pa rin sa ating tindahan ang mga tao ay kailangan mag-replenish agad ng stock kung naubosan. Kapag nawalan kasi ng kahit isa sa ating mga paninda ay pupunta sila sa ibang tindahan at bababa ang sales.
Walang customer na magugustuhan na naubos na ang kanilang gustong bilhin. Masaya silang pupunta sa ating tindahan at sasaktan lang sa pagsabi na “ wala na po.”
Tips: Kung naubosan ng item sa tindahan huwag sumagot na “wala,” ang dapat isagot ay “naubusan na po.” Kung may alternatibong produkto sa item na kanilang hinahanap pwede natin ito ialok. Mag-inventory para ma-track ng mabuti ang mga paninda na malapit na maubos.
Tamang presyo
Kung tama lang ang presyo ng ating mga paninda ay balikbalikan tayo ng mga tao, pero kung mahal naman ay pupunta sila sa ibang tindahan. Mas maganda kung sa wholesaler bumili para di natin mapataas masyado ang retail price.
Huwag tayo sumali sa price war dahil kung pababaan tayo ng presyo, lahat ng mga sari-sari store ay malulugi.
Makatwiran na pababain lamang ang presyo ng paninda kung mababa ang quality ng tinda natin kaysa sa ibang tindahan na maganda ang quality. Halimbawa, may isang tindahan na ang price ng short bond paper ay piso, at nalaman mo na mas maganda ang kalidad ng bondpaper na binibenta ng tindahan nato kaysa sayo, dito pwede mo pababain ang price ng iyong bondpaper at gawin mong 75 centavo o singkwenta kada isa. Pwede ka lang magtaas ng price kung may mga paninda ka na wala sa ibang sari-sari store, pero iwasan ang overpricing.
Loyalty program
Tuwing pasko may mga sari-sari store na nagbibigay ng regalo as appreciation sa mga loyal na customer nila. Hindi lang ito isang pasasalamat kundi isa na ring uri ng loyalty program.
Ang loyalty program ay isang systema na nagbibigay ng reward sa mga laging bumili sa tindahan o gumagamit sa isang serbisyo. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagbibigay ng points sa mga repeat customer. Kapag naka-accumulate ng sapat na puntos ang mga customer, mabibigyan sila ng discount.
Kaya pwede din natin itong i-apply sa ating mga sari-sari store.
Maganda ang kalidad
May mga items sa sari-sari store na pwede lang mababa ang kalidad tulad ng writing pad, bond paper, lapis at marami pa, pero sa mga paninda na kinakain ng tao kailangan ma-maintain natin ang mga quality nila.
Papangit ang imahe ng sari-sari store natin kung may nabili silang sira na. Iwasan natin na mabilad sa araw ang mga paninda para hindi mag-iba ang lasa at mawala ang freshness.
Dapat i-check palagi ang mga non-perishable item sa store katulad ng papel, napkin, diaper at iba pa na pwede pamugaran ng mga ipis at daga.
Maganda kung nag-i-inventory para makita natin kung kailan ang expiration date ng mga paninda.
Customer Service
Kung paano natin tinatrato ang ating mga mamimili ay may epekto ito sa ating sales. Kung ano ang nararamdaman ng mga customer kapag umalis sila sa ating tindahan ay may epekto ito sa pangmatagalang tagumpay ng ating negosyo.
Dapat na mas priority ang ating mga customer kaysa sa ating mga personal na emotion. Maging magalang tayo at hindi mabugnutin. Kahit simpleng ngiti ay customer service na.
Dapat na isaisip natin na ang mga customer ay nagmamadali at bawal maghintay ng matagal, kaya bilisan natin ang kilos para ma-served agad ang kanilang binibili at masuklian sila.
Wrap up
Kailangan di lang sobrang focus na mapalaki ang kita kundi ang masiyahan ang ating mga customer. Importante na matugunan natin ang kanilang mga pangangailangan. Dapat na satisfied sila sa ating tindahan.
Lastly, doon tayo mag-compete sa serbisyo at quality ng mga paninda hindi sa price para lahat makinabang.
Basahin mo din ito: Mga Pampalamig na Pwede Itinda sa Sari-sari Store
Thank you for reading this blog post, please share this post sa inyong mga friend na may sari-sari store.