Mga Pampalamig Na Puwede Mo Itinda Sa Sari-sari Store

Tindahan na puno ng paninda


Ang mga pampalamig ay isa rin sa mga paninda sa tindahan na nagbibigay ng dagdag kita. Kaya huwag mo hayaan na wala kang ganito inside your store.

When summer comes at ang hangin na mula sa pacific ocean ay magdudulot ng maiinit at maalinsangan na panahon, maraming tao ang gustong maibsan ang init na nararamdaman, at naghahanap sila ng paraan na makakatulong na makaka-cool down ng katawan nila. Kaya this is a blessing to your sari-sari store – may pangdagdag  kita ka sa tindahan mo. This is what we called seasonal marketing.

Ang seasonal marketing ay pagtitinda ng mga produkto na naayon sa klima, okasyon, o lugar.

Dahil summer ngayon angkop ang mga produkto na ito sa iyong tindahan.
So below are some of the cooling sweet foods na pwede mo itinda.

Ice candy

Pinaka-common na frozen sweet na kinagigiliwan ng mga kabataan. Common na ito maliit palang tayo, alam na natin ang masarap na ice candy na itinitinda sa tindahan. But ice candy is a very versatile na frozen sweet, kaya huwag mo itong maliitin dahil sky is the limit kung papaano ang paggawa ng masarap na pampalamig na ito.


Kung wala kang time sa paggawa, meron naman na binibenta na gawa na, at ito ay makikita mo sa mga grocery ng mga mall. Pero iba lang yung name at packing.

Pero iba talaga ‘pag gawa natin mismo.

Ice

Ang ice ay isa rin sa mga kailangan ng tao kapag tag-init. Gagamitin nila ito na pampalamig sa tubig na iniinom nila. Inilalagay din nila ito sa mga inumin tulad ng sofdrinks, instant juice, alcoholic drinks, at sangkap sa paggawa ng iba pang frozen food na produkto.

Ice cream in salad cups

chocolate ice cream na may toppings na marshmallow na inilagay sa salad cup




mga mango flavored na ice cream with marshmallow toppings




Pwede ka rin magbenta ng ice cream sa iyong tindahan. Merong mga tutorial sa Youtube na pwede mo pagkukunan ng mga idea kung paano gumawa ng masarap na pagkain na ito kahit sa bahay lang. Dahil dito di na kailangan ng mga bata maghintay pa na dumaan si mamang sorbetero dahil mabibili na nila ito sa tindahan mo.

Watch the video:
 

Snow cone

snow cone na may kutsarang yari sa kahoy


Ang snow scone ay isa ring masarap na pampalamig na gusto ng mga bata. Madali lang to gawin, ang sangkap - crushed ice, sugar, milk evap, at concentrated syrup for flavoring. May mga mambibili na pumili na bumili ng snow cone instead sa halu-halu kasi mura lang.

Ice buko

Ang ice buko ay isang uri ng ice popsicle na coconut milk-based na may grated o shredded coconut meat na nilagyan ng red monggo sa ibabaw. Uso to noon dekada 80’s - 90’s, di lang to noon sa sari-sari store tinintinda kundi pati na rin sa paaralan. Inilalako din to noon ng mga street peddlers.

Mango shake


mango shake na may asul na straw



Madali nalang makagawa ng mango shake kasi mura na ang mga blender ngayon. Kaya maganda rin tong pangdagdag kita sa tindahan mo lalo na kung summer. Madali lang rin tong gawin. Maglagay lang ng manga, asukal at gatas na evap sa blender, meron ka nang masarap na ititinda na inumin sa iyong tindahan.



Sa mga inilista ko dito sana makakatulong ito sa iyo na madagdagan pa ang kita na iyong tindahan. Palabasin mo lang ang iyong creativity kung paano mo ang mga ito na mapapasarap at maging unique sa inyong lugar.

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!


Please share your thoughts through the comment box below.

Video credits:

Buko Ice Candy by A La Carlene Dishes
Mango Graham Ice Cream by Kusina Chef

Image credits:

Thumbnail By John Martin PERRY - Own work, CC BY-SA 3.0

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url