Mga Pampaswerte sa Sari-sari Store



Kahit sa panahon ngayon na modern na marami pa ring pinoy ang naniniwala sa mga bagay na nagdadala daw ng swerte. Kailangan daw kasi nila ng mga lucky charms pampa-attract ng swerte at kasaganaan.

Ang paggamit ng mga lucky charm o mga talisman ay minana pa natin sa ating mga ninuno, hanggang sa nahaluan ng paniniwala ng mga ibang bansa na ating ina-adapt. 

May mga Psychologist na naniniwala na may epekto ang mga lucky charms pero hindi dahil sa magical effects nito kundi nakakapag-boost ng mental at physical na performance. Tumataas daw ang self-efficacy ng isang tao kapag merong lucky charm. Parang placebo effect.

Mga Pampaswerte Sa Opening ng Tindahan

  • Mag-pray. Sabi ng mga iilang naniniwala na bago daw buksan ang tindahan ay kailangan mo muna magdasal. Hindi sinabi specifically kung anong dasal pero sa nalalaman ko, yung dasal lang ng isang kristiyano. .
  • Maghalo ng dry basil leaves, tubig at asin sa mankok at iwisik ito sa paninda at pwesto. Ang basil leaves daw kasi ay may halimuyak na nag-a-attract ng parokyano.
  • Unang kinita na pera itago at ilagay sa ang pao then sa cashbox. Yung una mo daw na kinita sa iyong tindahan ay ilagay mo sa red envelope o yung tinatawag sa chinese na "ang pao" or " ang pow" tapos sa cashbox para doble ang kita. Ang pula na kulay  ay nagsisimbolo daw ng good luck at pantaboy sa mga evil spirit. 
  • Magsabit ng pulang tela na may asin. Para pangontra daw ito sa malas. Same lang din ito sa feng shui na ina-adapt din ng mga pinoy.
  • Maglagay ng asin sa bawat sulok ng tindahan. Ang asin daw ay pampahatak ng swerte at nagpu-purify sa tindahan against sa mga malas o evil spirits.

ang pao - pulang envelope
Ang "ang pao" ay ginagamit hindi lang ng mga Chinese kundi ina-adapt na rin ng mga Pinoy na naniniwala sa mga pampa-good luck.

Mga Lucky Charms Para Sa Tindahan

Horse Shoe

sapatos ng kabayo na kinalawang
Mga Chinese ang nag-influence sa mga pinoy na gumamit ng horse shoe pampa-good luck bagamat ang pinagmulan talaga ng superstition na to ay mula sa Europe. Kailangan daw hindi bagong horse shoe kundi yung nagamit na ng kabayo dahil naka-infused na daw dito ang energy ng kabayo. Dapat din daw ang pag-hang nito ay nakapormang "u" o yung dulo ay naka-face upward para maswerte.


Coin Pooping Dwarves


dalawang pigurin ng tumataeng duwende
Dahil sa paniniwala ng iilang mga tindera ay kumikita si Jhen sa pagbebenta ng mga lucky charm na ito sa kanyang Facebook page na Buenas Dwarfs

dalawang figurine ng duwendeng nakasuot ng berdeng damit at dilaw na sumbrero
Dapat daw kulay green ang figurine ng mga duwendeng tumatae ng pera dahil taglay daw ng mga ito ang kasaganahan sa pananalapi.
 

Maneki-neko


maneki-neko - pusang pigurin
Ito siguro ang pinaka-popular kasi kahit saan nakikita natin ito, ito yung pusang figurine na kumikilos ang kamay na ang gesture ay nagtatawag.

Dahon ng Laurel


tatlong dahon ng laurel at mga buto
Nag-a-attract daw ito ng good fortune at money.

Asin

asin

Ang asin naman ay ginagamit pangontra sa bad luck.

Lemonsito 


apat na bunga ng kalamansi
Maswerte ang hugis na bilog ng lemonsito at saka ang green na kulay nito ay lucky color. Ilagay lang daw sa lalagyan ng pera.

Salamin


manikang karton na nakaharap sa salamin
Ang salamin naman ay dahil may reflection ito at kapag ilagay sa harap ng lalagyan ng pera ay dododble daw ang kita.

Magnet 


magnet na pormang letrang u na nakabaligtad na may nakadikit na bakal

Nag-a-attract daw ito ng swerte at pera. Ilagay lang daw ito katabi sa cashbox.

Pusa


mga pusa sa harap ng tindahan
Pangontra sila sa mga pesteng daga at nag-aattract ng mga customer.

Arinolang Pula


kaserolang pula na may lamang perang papel, barya at tatlong kalamansi
Maliban sa kulay na green, maswerte din ang kulay na pula, kaya dapat daw pula ang kulay ng arinola na lagayan ng kita. 

Bawang


bawang
Magtataboy ng kamalasan sa tindahan.

Mga Pamahiin sa Sari sari Store


  • Malakas ang benta kapag ang unang bumili ay batang lalaki at mahina naman kapag matanda. 
  • Maswerte kapag may mga maitim na langgam.
  • Malas kapag nagpapautang sa gabi.
  • Dapat rolyo ang pagka-arrange ng perang papel dahil nagsisimbolo ito ng infinity.
  • Dapat ang pera naka-arrange din ng largest to smallest denomination para ang una mong makita ay ang malaking amount.
  • Ang una mong benta ay dapat daw ihaplos sa iba mo pang paninda para mahawa sa dalang swerte nito.
lalagyan ng pera na kulay green, pulang kaserola, salamin, kalamansi at plato na may lamang bigas, bawang at dahon ng laurel


Lucky Colors

  • Red
  • Green
  • White

Lucky name para sa sari-sari store


Sa pagbibigay ng pangalan naman sa tindahan, base sa aking mga naoobserbahan, kadalasan ginagamit ang mga kombinasyon ng positibong salita, celestial words at lucky numbers tulad ng:

  • Lucky 7 store
  • Happy store
  • Fortune store
  • Holy Child store
  • 168 store
Mapapansin natin na kahit may superstitious, practical naman dahil catchy ang dating at nakapukaw ng positibong emosyon. Mas madaling matandaan ng mga customer.

Mga Pampa-Good Luck na Practical


May mga tao talaga na mas pipiliin na gumamit ng lucky charms dahil naniniwala sila na ito'y nakakatulong sa kanila. Pansin ko lang ang iilan sa mga ito pa nga ay may mga logical reason gaya nalang ng:

  • Magpatugtog ka ng musika sa tindahan. Oo nga naman kapag may musika ang tindahan hindi siya boring.
  • Good Vibes. Sabi ng mga tindera dapat daw good vibes lang at saka dapat daw kaya mong mag-timpi sa mga customers na topakin. Kailangan daw mabait ka sa mga customers. Napaka-sensible naman di ba. Kung positibo ka kasi sa buhay mas masigasig ka at hindi nakatuon ang iyong isip sa mga negatibong bagay gaya ng problema. Kasi kung positive ka mas nakatuon ka sa solusyon.
  • Smile. Ayon sa mga nagtitinda dapat daw naka-smile ka dahil nagdadala daw ito ng positibong enerhiya. Sakto naman, sino ba naman ang ginaganahan bumili kung ang tindera o tindero ay nakasimangot. 
  • Pusa. Masuwerte daw kapag nag-aalaga ng pusa dahil gawa daw ito ng maylikha. Basta ang alam ko talaga nakakatulong sila sa pagsugpo sa mga daga na gustong kumain sa paninda mo.
  • Location. Wala akong alam sa feng shui basta ang alam ko kapag ang lokasyon ng iyong tindahan ay nasa mataong lugar at sa gilid ng kalsada marami ang bumibili
  • Malinis at Maliwanag. Kapag maganda daw ang ayos ng sari-sari store maganda daw ang daloy ng good energy. Siyempre kung malinis ang tindahan, magandang tingnan at maganda ang impression ng mga mamimili. Kung maliwanag naman madali nilang makita ang gusto nilang bilhin.

Last word

Sa mga may-ari ng tindahan na hindi naniniwala sa mga lucky charms, ayon sa kanila sipag, tiyaga at dasal lang daw para lumago. At dapat din daw good vibes sa mga customer. 

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe

Basahin mo din to: Mga Pampaakit ng Customer sa Tindahan




Did I miss something? Please share your thoughts through the comment box below and don't forget to share this post.

Credits: 

Magnet by Eurico Zimbres

Arinolang Pula

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url