10 Signs Na Hindi Ka Na Babayaran Ng Taong Nangutang Sa Iyo

Ang utang talaga ay dapat bayaran upang maka-iwas sa sigalot.

Meron diyang mga tao na kung mangutang ay daig pa ang maamong tupa pero pagsapit ng bayaran ay bigla nalang nag-iba ang ugali at parang syota mo na lq mode kung umasta-gusto niya ng space.

Ang hirap talaga 'pag ganito ang tao ang umutang sa'yo ng pera. Siya pa ang beast mode.

So ito po ang mga sign kung di ka na babayaran ng taong nangutang:


#1. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text mo. O kaya nakapatay lagi ang kanyang cellphone.

Taong gumagamit ng selpon



#2. Para siyang nakakakita ng multo kapag nakikita ka niya. Umiiwas lagi pag nagkakasalubong kayo.

Babaeng natakpan ang mukha ng mataas niyang buhok





#3. Ina-unfriend ka sa Facebook, Instagram, at iba pang uri ng Social Media.

Victor Graphic - Babaeng tinakpan ang mga mata sa harap ng laptop





#4. Palagi niyang sinasabi ang mga katagang "Pasensya ka na" o "Next time na lang".

Aso



#5. Sinisiraan ka niya sa mga kaibigan o kamag-anak mo na atat na atat kang maningil.

Tatlong babae, ang isa sa likod may ibinulong sa kasama niya



#6. Papalabasin niya sa'yo na nanggigipit ka pa at ikaw pa ang masama.

lalaking tumututok ng baril pero saging ang hawak



#7. Mararamdaman mo na parang ikaw pa ang makikiusap at magmamakaawa na bayaran ka niya.

istatwang nanghihingi ng pera o tulong



#8. Minsan, kukuha pa siya ng simpatya sa ibang tao at magpapaawa effect na parang inaapi mo siya.

Vecto Graphic



#9. Hindi na siya tinatablan ng hiya o kadalasan nilalakasan nalang niya talaga ang loob niya.

lalaking naka americana



#10. Sasabihin pa niya sa'yo na hindi mo madadala sa hukay ang pera o mukha kang pera.

lalaking nakataas ang hintuturo


Source: PesoSense


Tips

1.) Before ka magpautang ay tanungin mo muna ang gustong umutang, ng ganito:

" Friend, may plano ka na ba kung paano mo ako mababayaran?"

Dito malalaman mo kung may plano na siyang bayaran ka in the first place. Kaya maraming tao na di nakapag-bayad ng utang dahil hindi nila pinaplano ang pagbayad.

2.) Gumawa kayo ng agreement at isulat sa papel ang pinagkasunduan na pirmado niyong dalawa. Pwede mo i-dokyumento ang pangyayari sa pamamagitan ng pagbe-video gamit ang celpon mo.
Last thoughts

Ang utang pwede mauwi sa "thank you" at hindi ka mababayaran kung hindi documented ang transaction. Hindi mo mapipilit ang taong tuso na mabayaran ka kung verbal lang ang kasunduan at walang saksi.

Para sigurado i-dokyu ang pinagkasunduan kahit sa video lang ng phone mo.

Sa ganito, pede mo siya mahabol at gumawa ng legal na hakbang.

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url