Why Losing Focus Stops You To Become Successful

picture na may nakasulat na focus is the key to all success



"Focus is the thinking skill that allows people to begin a task without procrastination and then maintain their attention and effort until the task is complete."
-Learning Works for Kids


You know friend kung wala kang focus imposible na magiging successful ka in achieving Financial Freedom.

Di ba ang dahilan natin kung bakit tayo nagnegosyo ay dahil para kumita tayo at matustusan natin ang ating mga pangangailangan at kung lumago na ang business ay magkakaroon na tayo ng tinatawag na Financial Freedom.

Di ba sumasali tayo sa mga kung ano-anu na business diyan dahil gusto natin kumita at yumaman. At kung may mga pangyayari man gaya ng na-scam ka at nag-stop ang company na sinalihan mo ay hindi ito dahilan upang mag-stop dahil ang dapat mo intindihin na ang goal mo ay to become successful.

Ang mga problema na to ay hindi hadlang para mawalan ka ng focus sa goal mo. Focus on solutions hindi sa mga problema.

Huwag ka mag-focus sa pera sapagkat kung pera lang ang nasa utak mo malamang mag-stop ka lang kung may mga pangyayari na di mo inaasahan gaya ng pagkalugi at ma-scam. Kaya isa sa mga dahilan kung bakit tayo hindi naging successful ay nag-focus tayo masyado sa resulta hindi sa proseso.

Dapat natin intindihin na in order to be successful, we must accept that becoming successful is a bit long process. So dito natin i-focus ang ating attention sa proseso.

Kung gusto mo makabenta ng marami eh di focus in the process of marketing hindi sa kumita ng marami.

Kung gusto magka-six packs, then focus on the process of working out everyday hindi para magka-chicks.

Sa proseso may mga small set of goal na part ng main goal mo na kailangan i-accomplish. Pero huwag mo trabahuin lahat. Focus lang on one set or task at a time. Huwag kang mag-multi-task kasi babagal lang tayo dahil gagamit tayo ng malaking oras para matapos lahat. 'Pag nag-multi-tasking kasi tayo humihina ang decision making natin, madalas tayo nagkakamali at madaling mapagod ang utak natin. So finish one task at a time lang hanggang matapos ang lahat ng mga small goal.

In dealing with distractions naman, dapat i-program natin ang ating sarili na once may nakaka-distract sa ginagawa natin ay makakabalik tayo dapat sa ating ginagawa. Make sure na sa pagbalik natin ang ginagawa is part pa rin of the process of our goal.

I-categorized mo yung mga task na distractive at hindi para mapagtuunan mo lang yung mga importanteng task. Then i-prioritize mo yung mga importanteng task na nakaka-contribute sa iyong goal.


Isa rin sa nakaka-apekto sa focus natin ay ang pagkakaroon ng setbacks while working things in finishing our goal kaya nade-delay tayo papuntang success.

May mga taong hindi alam kung paano i-deal ang mga setback kaya hindi sila naging successful dahil nag-focus sila sa maling response.

For example may business ka at nalugi at natanong mo sa sarili mo na,

"Bakit ba to nangyayari sa akin, Minamalas yata ako?"

Dahil mali at negative ang response mo malamang ang sagot din ay negative:

"Oo, malas ka kaya to nangyayari sayo."

See, dito palang malamang mag-stop ka na sa journey mo to success kasi pinaniwala mo ang sarili mo na malas ka.

Friend in dealing with difficulties kailangan positibo ang pag-handle natin para positibo rin ang outcome.

I-acknowledge natin na part na talaga ng journey as a businessman ang mga setback. Hindi lang ikaw ang pwedeng magkakaroon nito dahil lahat ng tao nakakaranas din.

Tingnan mo nalang na isang challenge kaysa isang problema.


At pagnabo-bored ka sa paggawa ng mga bagay na nakakatulong sa pag-finish ng goal mo ay embrace mo lang ang pagiging bored dahil kahit mga successful entrepreneur ay nakaranas din ng boredom.

Pero alam mo kung bakit sila nag-standout?

Wino-work pa rin nila ang mga bagay na nakaka-contribute sa pag-achieve ng goals nila even when it's not easy kasi they stick with their goals. Hindi nila ina-allow na ang mga emotion ang magdikta ng kanilang actions. Kasi nga they focused on their goals.


Lastly, stop procrastinating tasks na nakaka-contribute sana sa pag-abot ng goal mo. Huwag mo hayaang madala ka ng emotion mo dahil lang mas comfortable ka sa ibang gawain kaysa paggawa sana sa mga kabuluhang bagay para matapos ang goal mo.

Ang pag-procrastinate kasi is more on behavioral and emotion mo. Dine-delay mo ang mga importanteng gawain dahil may pinagkaabalahan kang iba na nakaka-enjoy sa iyo na di naman productive.

Para ma-stop ang procrastination, ang dapat mo lang gawin is to start. Huwag mo munang isipin mag-succeed basta mag-umpisa ka lang. Ang importante may progress ka na at gawin mong habit na gumawa ka ng mga bagay na nakakatulong sa iyong goal. Sa ganito, kumikilos ka at hindi motionless.

Sabi nga ni Sir Isaac Newton:

"Objects at rest tend to stay at rest and objects in motion tend to stay in motion"


Paglilinaw

Kung nangangailangan ng attention ang isa sa iyong pamilya ay hindi ito distraksiyon at hindi rin prokrastinasyon kundi isang obligasyon mo sa iyong mga mahal sa buhay. Ang importante pagkatapos mo sa obligasyon ay makabalik ka sa ginagawa mo na part ng goal mo.


Final Thoughts:

Friend ang focus is getting started and keeping things to stay in the lane of your goal, kasi kapag huminto o tumaliwas o lumihis ka ay marahil matagalan ka o di ka maging successful.

Focus in the PROCESS. Work in the PROCESS. Ang resulta dadating din yan.

Free Ebook

Get instant access to the ebook by subscribing to our newsletter.

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url