Ano ang Natutunan Ko sa Sari-sari Store ng Aking Ina

Tindahan

Sari-sari store, ito ang karaniwang negosyo na ating makikita kahit saan mang lugar dito sa Pilipinas. Kung may sari-sari store ang isang pamilya, ito ay nakakatulong ng kaunti pang pinansyal.

Dito sa amin marami ang sari-sari store at kabilang na dito ang munting tindahan ng aking ina. Bago ko muna umpisahang isaylaysay kung ano ang mga natutunan ko sa kanyang tindahan ay kuwentuhan ko muna kayo ng konting history sa tindahan ng aking mama.

Noong nag-umpisa pa lamang si mama sa kanyang tindahan ay di pa nya ino-organisa ang mga pamaraan kung pano mag-tinda ng sari-sari store. Ang organized lang ay yung mga paninda, pwesto para sa mga instant noodles, pwesto para sa mga sardinas at ang lahat ng mga items ay nasa lugar kung saan ito na-categorized.

Sa labas siya naglagay ng pwesto para sa paninda nya dahil wala pa siya noong desenteng tindahan pero sa kalaunan nakapagtayo din sa gilid ng aming bahay. Sa umpisa maganda naman ang takbo ng negosyo pero habang tumatagal ay unti-unting nawalan siya ng kita at nawalan din ng pam-puhunan dahil wala ngang kinita ang tindahan.

Kaya ang nangyari ay nag-stop siyang magtinda dahil napagod daw siya-pero alam ko dala iyon ng depresyon dahil sa nalugi ang kanyang tindahan.

Dito sa amin kasali siya sa isa sa mga micro-financing na mga grupo na ino-organisa ng isa sa mga maliliit na banko na nagpapa-utang sa mga maliliit na negosyante gaya ng mga may sari-sari store.

So walang problema kung saan kukuha ng puhunan, pero di muna daw siya mag-uumpisa kung di daw namin babaguhin ang aming mga sarili. Sabi ko "ha?".

Kaya noon parang nag-iba ang kanyang ugali about sa pagtitinda at medyo naiirita ako sa kanya dahil tanong siya ng tanong kung ano daw ang mga item na nabenta-hindi ko na kasi matatandaan ang mga ilan sa mga nabenta.

Kapag wala kasi si mama o kapag malayo siya sa tindahan ako ang ino-obliga niyang mag-bantay muna sa tindahan kapag nasa bahay ako. Ako lang ang pinapayagan niyang makapagbenta ng mga paninda, makapasok labas sa tindahan, (well,it’s such an honor that she entrusted me her paninda) pero ako rin ang mananagot pag may mawawala o kulang ang kita pag nag-inventory na siya muehuhu!

Noon nakita ko talagang na-depress siya ng malugi ang kanyang tindahan at inaamin ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit nalugi kaya nga sinabihan nya akong mag-uumpisa lang daw siyang magtinda kung babaguhin namin ang aming mga sarili.

Pero pati din sa kanya may nagbago dahil may binago din siya sa kanyang sarili kung paano patakbuhin ang tindahan.

Basahin mo din to: Mga Pampalamig Na Puwede Mo Itinda Sa Sari-sari Store

Ano ang natutunan ko sa aking ina sa pamamaraan niya ng pagpapalakad ng tindahan?


After sa pagkalugi niya ay para bang may-nagsabi sa kanya na ito ang gagawin niya. Para ba yatang sinabihan niya ang kanyang sarili na "KAILANGAN GUMAWA AKO NG PANIBAGO KUNG GUSTO KONG MAG-SUCCESS ANG BUSINESS KO" parang ganun.

So ito nga ang mga natutunan ko sa tindahan niya.

  • Ilista kung anong mga item ang nabenta. Sa tindahan namin ngayon kada may bumili inilista agad namin para ma-trace kung ano ang nabili at magkano ang kinita. Para malaman din namin kung may nagkulang ba tulad ng may kumuha ba ng pera sa lalagyan etc..
  • Magkaiba ang lalagyan ng pera. Nakita ko na may magkaibang lalagyan ng pera si mama. Isa mula sa bayad ng mga bumibili at yung mga nakatago ay para sa puhunan at sa kinita. 'Pag nagsarado na ang tindahan ni mama sa araw na iyon ay inumpisahan na niyang i-split ang pera. Then kinaltasan niya ang pera para sa kinita at sa puhunan at inilagay sa corresponding na lalagyan. Sa paraan na ito, safe ang pam-puhunan namin. Kaya kung may paggagastusan kami at kulang ang pera namin dun kami kukuha ng kaunti sa kinita.
  • I-record kung anong item ang kinuha sa tindahan. Noon kuha ng kuha lang kami ng mga paninda niya gaya ng sabon, shampoo, kape at asukal dahil pangangailangan naman ito namin sa pang-araw-araw kaya ok lang kaysa bumili pa sa labas diba, dito nalang libre pa.

Pero napagtanto niya at sinabihan nga kami na baguhin namin ang aming sarili dahil ang practice na ito ay isa sa mga bagay na nakapag-contribute ng pagkalugi sa tindahan. Di namin kasi namalayan na unti-unting nawalan ng kita ang tindahan.

Kahit bumibili pa ulit si mama ng mga kulang sa paninda niya at ang pera na pambili ay mula sa kinita ng tindahan niya ay nauubos pa rin ang kita.

  • Bumili ka sa sarili mong tindahan
Nakakatawa di ba bibili ka sa sarili mong tindahan, para kang boang nagtayo ng tindahan para ikaw ang bumili.

Ito ang totoo diyan, may ginawang pagbabago si mama na sa tuwing may kinuha kami sa tindahan ito ay binabayaran niya.

May kita pa ba ang tindahan? Saan kaya siya kumuha ng pambayad? Sa tindahan pa rin ba?

Ang sagot kumuha siya ng pera mula sa kinita niya at hindi mula sa puhunan niya. Magkaiba ang lalagyan ng kanyang pam-puhunan at sa kinita .Kahit iisipin ang pera na binayad di mula sa labas kundi sa loob ng tindahan pero ganun pa man naka-save pa rin.

Example, kumuha ako ng isang paninda ni mama na worth 5 pesos ang value sa pagbili niya nun mula sa wholesale store at bininta niya na tag-7 pesos ang isa, at binayaran niya agad ng 7 pesos hindi 5 pesos dahil tag-7 nga ang benta niya, so ang binayad namin ay 2 pesos nalang kung iisipin at wala pa rin nawala na puhunan.
  • Huwag mo gawing primary source of income ang tindahan
Ito ay isang mind conditioning lang para di ka rin lang dito nakadepende kumuha ng panggastos. Kailangan din na may ibang source of income ka para di maubos ang kita mo sa tindahan. Ang nangyari kasi sa amin noon ginawa naming sole source of income nung nag-retire ang papa ko sa trabaho. Dito kami kumukuha ng pambili ng tubig, para sa pagkain, kuryente, pambaon sa school at iba pang aktibidad na required ay pera. So ubos ang kita.

  • Good ventilation at hindi mainit
Kailangan di nasisikatan ng araw ang mga paninda. May tendency kasi na madaling mapanis ang mga edible na paninda tulad ng canned goods, chichirya, spices, noodles, etc. Kung maganda ang ventilation ng tindahan ay di naiipon ang init. Napapansin ko na nawawalan ang pagka-crispy at crunchy ng mga paninda na chitchirya na nabibilad sa araw. Ang canned goods na nabibilad sa araw ay umiba ang lasa pag-nasisinagan ng araw sa mahabang oras.

  • Avoid pricing wars
Ito ay isa sa mga pangit na kaugalian nating mga pinoy kapag nag-nenegosyo tayo. Pababaan tayo ng presyo para madaling mabenta ang isang bagay para lang kumita. Di tayo magtatagal sa negosyo dahil pareho lang tayong malulugi niyan. Imbis na magtulungan kung ano dapat ang i-presyo para di malugi.

Ito ang isa sa pinapraktis ngayon ni mama. Imbis na pababain niya ang presyo - may nagpababa kasi ng presyo dito sa amin, kaya nagpokus nalang kami kung paano mapapaganda ang serbisyo namin at inaalam namin kung ano ang mga gustong bilhin ng mamimili.

Nagbenta din kami ng mga items na wala sa ibang sari-sari store pero dinamihan namin ang mga  items na non-perishable kaysa mga may expiration date.

  • Less allowed utang to no utang kung pwede
Ang utang talaga ay naka-contribute ng hindi magandang takbo ng business mo dahil hindi maganda ang takbo ng pera papasok.

Nararanasan noon ni mama nung nag-umpisa pa lang siya sa sari-sari store, ay hawak ang kanyang kilos kung kailan siya bumili ng mga paninda sa wholesale store kasi may ilan sa mga umuutang sa kanya ang hindi pa nakapagbayad, may ilan pa nga na kinalimutan na ang kanilang utang.

  • Roll the money
Ito ay gusto talagang umpisahan ni mama kung saan niya ulit ilalagak ang pera na naipon mula sa kinita niya sa tindahan para may iba na naman kaming pagkakakitaan. Gusto niya kasi mag-umpisa ulit ng isa pang tindahan at magtayo ulit ng computer shop.

Related Post: 12 Helpful Tips To Boost Your Sari-sari Sales

Payong Kapatid


#1. Kung may sari-sari store ka at may gustong umutang sa paninda mo ay mag-set ka ng amount kung haggang ilan lang sila pede maka-utang. I-set mo sa hanggang 50 pesos lang kung di kalakihan ang sari-sari store mo.

Mag-set ka din kung ilan lang ang amount na pede utangin sa isang araw. Kasi for example, nag-set ka nga ng 50 lang dapat ang pede utangin ng kada-tao kung marami naman silang umutang - bankrupt ka lang! Let's say, limang tao na umutang sayo ng tag-50 eh di 250 agad - ang laki di ba. Ano na kaya kung araw-arawin yun.

Piliin mo yung kung sino ang dapat papautangin, kung may trabaho ba ang mga taong to. Kung temporaryong tao lang ang gusto umutang tulad ng umuupa lang sa isang lugar ay kikilitasin mo muna baka takbuhan ka lang.

#2. Pumili ng pinakamura na wholesale store para makakamura. Hindi lang isa ang nag-sisitayuan na wholesale store sa Pilipinas.

#3. Kapag may bumili sa tindahan mo at ubos na ang bibilhin sana ng iyong customer, 'wag mong sabihin na "wala" kundi "ay naubos na po". Sa ganitong paraan malalaman nila na naubusan ka lang ng paninda hindi sa wala kang benta.

Final Thoughts

Sa natutunan ko ngayon sa bagong system sa pagpapalakad ng sari-sari store ni mama, ay dapat pala tina-track natin ang mga ginagawa natin when it comes to financial, para magtagal pa ang negosyo - Para di natin magamit ang pera kung saan saan na hindi naman nakapag-produce ng kita.

Thank you for reading!

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe

Please don't forget to share this to your friends.
Next Post Previous Post
1 Comments
  • BLOGS NG PINOY
    BLOGS NG PINOY Enero 20, 2016 nang 12:35 PM

    Thank you for joining Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

Add Comment
comment url