Bakit Kailangan Natin ng Financial Freedom

Picture na nakasulat ang title ng blog post na to

Sawa ka na ba being in the rat race situation? (parang daga na gusto kumawala sa pinaglalagyan sa kanya, takbo ng takbo pero walang nangyayari) .You wake up early in the morning para makapunta sa trabaho mo para ma-suwelduhan at di pa rin sapat ang kita dahil kulang ito sa pambayad sa pang-araw-araw na gastusin.

I want to share with you friend kung ano mga natutunan ko about financial freedom from respected entrepreneurs, from simply amazing people and from E-books I have read.

Itinuro nila kung ano ang gagawin sa pera mo ngayon, paano igastos ng mabuti at paano patubuin. Itinuro din nila na kahit mayroon ka pang maraming pera hindi ka pa rin financially free.

First kailangan muna natin malaman kung ano ba ang meaning ng Financial Freedom? at bakit ba kailangan natin magkakaroon nito? Sa wikipedia ang Financial Freedom o Financial Independence ay:

"Generally used to describe the state of having sufficient personal wealth to live, without having to work actively for basic necessities. For financially independent people, their assets generate income that is greater than their expenses."

Ibig sabihin kailangan may source of income tayo na hindi tayo kailangang kumayod ng husto para lang kumita ng pera para may makain at mabuhay. Yung ginagastos din natin kailangan hindi pa mas malaki kaysa kinikita natin.

Ano ba yung trabaho na hindi na natin kailangan pang kumayod ng husto at magpuyat para lang maabot ang minimithi nating sapat na pera?

Friend pag meron tayong passion sa isang bagay na ginagawa natin para bang walang pagod di ba. Lalung-lalu na kung ang passion mo ay ginawa mo tong pagkakakitaan at ginawang automated business.

Sa automated business konti nalang ang gawain mo dahil leveraged(pintrabaho mo sa iba) na ang mga supposed na gagawin na sana ikaw ay gumawa gaya ng pagbebenta, pag-wrap, pag-ship, sa tao, devices o sa software at sa internet.

For example, isa kang writer, ito ang passion mo, at ang libro na ginawa mo ay gusto mong ma-publish at mabenta. So hahanap ka ng magpa-publish ng libro mo at mag-bebenta nito kay sa ikaw pa ang mag-publish at magbenta sa lahat ng tao (nakakapagod di ba at recquired pa ng maraming oras). Ang gagawin mo nalang tatanggap ng advance at royalty mula sa nag-publish.

Ang maganda sa automated business sa panahon natin ngayon, dahil nasa internet age tayo ang libro na physical ay pwede mo gawing pang -internet at ito ay magiging digital na at tawagin na siyang "e-book" (electronic book).

Di lang yan, di mo kailangan ng publisher dahil pagkatapos mo isulat ay pede mo na ibenta agad, sayo pa ang 100% na kita kay sa physical na libro na royalty lang ang matatangap mo.

Sa e-book global ang market, kung sino yung may mga computer yun ang mga pwedeng makabili ng e-book mo, di katulad sa physical book na sa territories lang pede maka-market.

Ang automation sa online business ay walang kahirap-hirap dahil may mga online services na pwede mong salihan para ma-automate ang iyong business. Kaya ang gagawin mo nalang ay mag-hihintay ka nalang na may pumasok na pera sa account mo. Ilan sa mga services na to ay ang mga:

Autoresponder - isa sa mga services online na nag-pro-provide ng automatic na response pag may nag email sa yo. Kung nag-email marketing ka maganda ang autoresponders kasi sini-set mo na ito kung ano ang i-response pag may nag-inquire about sa product mo. Kung gusto ma-try ang autoresponder pwede ka mag free trial sa Getresponse kung network marketer ka. Kung gusto mo ng free plan na may limited features, gamitin mo ang Brevo.

Salespage - Isang simpleng webpage na nagbebenta ng produkto o serbisyo mo - so di mo na kailangan pang magbenta kasi ito na gagawa para sa yo. Sa salespage nandun ang mga impormasyon na  gusto itanong ng prospect mo para makagapag-persuade sa kanila na bumili.

Shopping carts and Online ordering - pede mo ibenta ang mga produkto mo sa amazon, ebay, lazada, etc... o sa mismong website mo. Maganda ang system nato kasi kahit natutulog ka lang kikita pa rin.

Alam ko marami pa diyang mga services online na pede mo magamit para sa negosyo, mag-research ka lang which of these ang pede sa business mo.

But in the upfront, marami ka pang aasikasuhin for the mean time until na mabuo mo ang mga proseso na makakapag-automate sa business mo.

Bakit Nga Ba Kailangan Natin Magkaroon Ng Financial Freedom


Ang tao kasing may financial freedom ay di na magkakaproblema pa sa pang-araw-araw at monthly na gastusin tulad ng pambili ng pagkain para sa pamilya, pambayad sa monthly bills gaya ng kuryente at tubig at iba pang basic needs na gagamit ng pera kasi natutugunan na nito ang mga dapat ipambayad sa mga gastusin at utang.

Kapag magkakaroon ka ng financial freedom, magkakaroon ka din ng Time Freedom. Ito yung time kung kailan pwede ka mag-spent ng quality time with your family and loved ones, dahil di mo na kailangan pang gumising ng umaga upang pumunta sa trabaho mo dahil may another sources of income ka na.

Sa pagkakaroon mo ng time freedom pwede ka mag-invest sa sarili (kumuha ng ibang course, magbasa ng ebook, matuto mag-gitara, magpa-spa, etc) mo na di mo pino-problema kung sino ang mag-ma-manage ng business mo dahil nga pede i-automate ang business mo by leveraging your effort to other people or by automating your business online. Pwede ka na ring mag-umpisa ng isang negosyo para madagdagan ang cash flow mo.

Develop A Financial Success Habits


Unang-una na gawin para magkaroon ng financial freedom ay kailangan tayo magkakaroon ng financial success habits. Kailangan mag-umpisa ito sa sarili natin kung gaano ba natin ka-determined magkaroon ng financial freedom.

Dahil kung wala ka nito mabalewala lang ang mga steps to financial freedom. So these are the financial success habits that you must have:

Setting financial goals. Ano ba yung gusto mo makuha na recquired ay pera, gusto mo ba magkaroon ng bahay at lupa, tv, sasakyan, negosyo o makabayad sa utang. Kailangan alamin mo kung ano ang gusto mo, be specific para yung nagustuhan mo dun ka mag-focus mag laan ng pera para maabot mo yung gusto mong makuha kaysa kung saan-saan mapunta ang pera mo.

Track your expenses. Alamin mo kung ano ang pinagkakagastusan mo at saan napupunta ang pera mo kahit sentimo pa yan.Yung pera ba ay napunta sa pangangailangan sa buhay o sa isang luho.

Make a Budget Plan. After mo ma-track ang mga expenses mo mag-set ka ng budget para may maa-adjust ka sa iyong mga ginagastusan. Make sure na sa pagba-budget mo may matitira na pera para may may mase-save ka.

Make saving a habit. Ugaliing pag may matatanggap at kikitain kang pera mag-set aside agad ng 30% para magamit mo sa importanteng bagay tulad ng pang-start-up ng negosyo o mag-invest sa stocks.

Start an emergency fund. Sa sine-save mong pera kukuha ka din dun ng pera pang pondo kung may emergency na dadating. Alam mo naman sa buhay minsan may dadating na di natin inaasahan. Sa pag-se-save natin para sa emergency may makukuha tayong pera na gagastusin dahil may pondo na nakalaan.

Huwag mangutang. As much as possible pigilan talaga natin ang ating mga sarili dahil ito lang ang kakain ng pera natin.Wag sana tayong mangutang sa mga bagay na di naman importante. Gusto mo ba magtrabaho na ang sahod ay di na sayo. Di naman siguro tayo mamamatay 'pag di naka-utang unless kung kailangan lang siguro tulad ng kailangan mo ng pagkain.

Be concious with what you spend. Kung may gusto kang bilhin, ask yourself muna kung ito ba'y makakatulong sayo o nagustuhan mo lang dahil uso ang isang bagay. Ito ba'y lilipas din ang price at madaling bababa ang presyo after one year. Ask mo sa sarili mo kung bibilhin ang isang bagay makatulong ba to sayo in reaching your goal. Ask yourself "Am I spending bigger than what I have Earned?"

Get Insured. Kahit na self-employed ka you can get an insurance sa SSS under self-employed persons basta di bababa ang sweldo sa 1,000 a month and not more than 60 years ang edad.

Mag-extra income. Para madali mong maabot ang financial goal mo mas mabuting meron kang ibang source of income. Kapag maraming source of income, madaling makaipon. Kapag madaling makaipon, may maraming pera pang-invest. Kapag may maraming pang-invest, maraming business ang maitatayo. Kapag maraming income streams, syimpre, Financial and Time Freedom maabot agad.

Stay Healthy.' Wag mong kalimutan na you have to take care of your health. Being healthy will make your goals na madali lang ma-achieve. You can think better and work efficiently kung marami kang energy.

Share some of what you have. Nasa Bible po ito at sa mga success and wealth na mga books. Believe the law of reciprocity. When you give, you receive more in return.

Educate Yourself. Palawakin ang kaalaman para matutunan ang mga bagay na nakakatulong kung paano maa-achieve ang financial goals. Mag-search sa web, magbasa ng mga artikulo at ebooks tungkol sa financial goals, investing at saving.

Tips: Spend less than you earn. Ito ang fundamental skill na dapat talaga natin matutunan. Pero meron pa rin sa atin ang di to pinagtuunan ng pansin. Karamihan kasi sa ating mga pinoy ay gumastos ng mahigit pa sa ating pangangailangan, gumastos ng higit pa sa sweldo natin kaya tuloy na pwersa kang mangutang kasi kulang na ang budget pambili at pambayad sa basic needs.

Steps To Financial Freedom


Generally you need Saving and Investing para makamit mo ang financial freedom. However, you must understand first how to develop those financial success habits para mas maintindihan mo pa ang ibig sabihin ng financial freedom. Nagsisimula kasi to sa ating sarili eh, so gawin natin na maging habits natin yun at sigurado makakamit natin kung desidido tayong magbago.

Saving, madali lang naman gawin to kung gugustuhin talaga. Kung di mo alam mag-save try mong mag-budget at i-set aside yung mga pinaggagastuhan na hindi naman importante at ang budget na para sana dun ay iimpok nalang.

Sa investing malawak na mundo to kasi maraming lugar kung saan mag-invest.Gusto mo bang mag-negosyo, mag-invest sa stock market, sa real estate, mutual fund..etc..,and each of these recquired corresponding skills.

Pero wag ka mag-alala may mga tao na handang tumulong sayo kung paano palakarin ang mga to at saka matutunan mo naman ang ibang skills while you're in the journey of investing.

Final Thoughts

In attaining financial freedom medyo mahihirapan tayo kasi may mga panibagong adjustments na gagawin tayo sa ating mga sarili at iilan sa mga dun ay recquired ng konting focus, so this would take some of our precious time, pero temporary lang naman until dahan-dahan tayong magiging financially free.

Kaya umpisahan na natin mag-save at mag-invest at gawing habits ang mga financial successful habits para sabay-sabay tayong mga Pilipinong uunlad at Utang-free na mga Pinoy!

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url