Kailan Ba Dapat Magsimula ng Negosyo
Kailan nga ba ang magandang panahon para magsimula ng magandang negosyo?
Alam mo the exact answer to this question is NOW.
Di na natin kailangan pang maghintay kung ano ang eksaktong panahon dahil inuubos lang natin ang oras at mga araw at taon. Mas mabuti pa ngang inumpisahan mo na noon pa marami ka na sigurong natutunan ngayon.
Walang darating sayo
Sino ba ang hinihintay mo, naghihintay ka ba ng biyaya mula sa langit, naghihintay ka ba na may tao na dumating sa buhay mo at magbigay ng sapat na pera pang-invest. Pede ka naman magsimula magnegosyo sa konting halaga. JUST START SMALL ito ang sabi ng mga entrepreneur. Lahat naman nagsimula ng maliit di ba.
Remember Rodolfo and Rosiell who started their business sa capital na 20 pesos lang selling ice candy hanggang sa naging milyonaryo sila. Walang dumating sa kanila na pera para maging mayaman sila. Ang ginawa lang nila ay kumilos para matustusan nila ang kanilang pang-araw-araw na kailangan.
Walang Tamang Panahon
Kung sa pag-ibig ang payo ni lola nidora sa yo ay maghintay sa tamang panahon.Sa business naman ang payo ng mga entrepreneur ay Ngayon Na!.Kung maghihintay ka pa sinayang mo lang ang oras.
There is no such thing as the perfect time to start your own business kasi ang mga bagay-bagay ay matutunan when you're in the action.
While you're in the process you can tweak, revolutionize and adjust things. Do not wait for the perfect scenario to do the thing that needs to be done dahil walang ganun,walang dadating sa yo.
Do The Business While Investing In Yourself
Alam ko kailangan mo mag-invest sa sarili mo kaya nga bumibili ka ng e-books, mag-attend ng online seminar (webinar), at magbasa ng articles online para madagdagan ang kaalaman mo. At maganda pa nga itong indikasyon na gusto mo talaga ma-improve ang sarili mo para ready ka na sa negosyong gusto mong itayo.
Pero huwag mo nang hintayin pa na mabasa ang lahat ng mga ebook at artikulo at ma-attend ang lahat ng webinar. Dahil you can do the business naman while reading and attending these digital info online. Gamitin mo na agad ang natutunan mo at i-apply sa business para constant ang progress ng negosyo mo.
Tandaan experience pa rin ang pinaka-magandang edukasyon. Kaya nga kailangan mo na umpisahan agad para may matutunan ka sa experience mo.
Final Thoughts
Kung meron kang ambisyon,pangarap sa buhay o gusto mo lang ma-improve ang iyong pamumuhay at pamilya ay wala ka nang ibang gawin kundi magsimula ng negosyo.
Do not wait for the right time, because the right time will never come. The best time to start your own business is NOW.