Ano ang Online Paluwagan

Babaeng gumagamit ng tablet


Dahil sa bilis ng takbo ng panahon ngayon madaling i-angkop ng mga tao ang mga traditional na gawain at ibagay sa mundo ng internet. Sa internet mas malawak ang sakop at pede sumali sa isang kalakarang internet ang kahit nasa malalayong lugar.

Dahil sa internet lang makikita ang mga sumasali sa isang kalakaran malaki ang tsansa nitong may manggagantso at scam ang isang investment na sinalihan.

Ang Paluwagan na nag-operate online ay tinatawag itong Online Paluwagan dahil sa online ito pinapatakbo.


Ano ang kaibahan ng Online Paluwagan sa tradisyunal na paluwagan?


  • Karamihan sa mga miyembro nito ay hindi magkakakilala ng personal at hindi close sa isa't-isa.
  • Hindi fixed ang dami ng mga miyembro dahil recruit ng recruit ang mga members.
  • Hindi rin fixed ang araw at oras ng pagbayad.
  • Hinahaluan ng matrix system kaya nagiging pyramiding.
  • Ang pag-ambag ay hindi aktwal na natatanggap ng kolektor/admin dahil sa banko o sa isang remittance institution inaabot ang pera.
  • Ang perang babalik sayo ay pedeng mas malaki pa sa ini-entry mo. At kung maabutan ka ng pagkamatay ng kalakarang ito ay malas dahil konti lang o wala kang makukuha na pera.
  • Sa Paluwagan Online hindi ka nag-iipon at hindi rin nag-i-invest kundi nagsusugal ka.
Also read: Ano ang Paluwagan at Ano ang Maitutulong Nito Sa'yo


Paano ba gumagana ang Online Paluwagan


Ibang-iba ang Online Paluwagan kung ikokompara sa tradisyunal na paluwagan dahil nagiging pyramiding na ito. Para gumana ito kailangan lang mag-recruit at punuin ang table para maka-exit. At pag naka-exit na, may required na re-entry o pag-ambag ulit under sa ilan sa mga ni-recruit para makatulong.


Mga hindi maganda sa Online Paluwagan


Malaki ang panganib sa aktibidad na ito dahil karamihan sa mga miyembro nito ay di mo masyadong kakilala. Ang admin/collector na humahawak ng pera ay mataas ang posibilidad na itakbo ang pera.

Kung ikaw ay nasa ibaba ng pyramid malaki ang porsyinto na di mo mababawi ang nilagay mong pera. Kahit na may recquired na re-entry ang isang miyembro na nakatanggap na ng pera, hindi naman sa lahat ng recruit sya mag-re-entry at ang pera ay hindi sapat para punan ang pera na inilagay ng mga recruits nya.

Para mabawi ang perang inilagak ay kailangan mag-recruit para punuin ang table, di katulad sa tradisyunal na paluwagan ay makukuha mo ang perang inipon ng hindi nag-re-recruit.

Higit sa lahat ang Online Paluwagan ay illegal, hindi yan ina-aprobahan ng SEC.


Paano naman yung online paluwagan na may produkto?


Yung online paluwagan na may produkto na katulad nung pino-post sa Facebook, na konti lang ang ibabayad mo na pera para makuha ang selpon, ay kailangan mo mag-recruit ng sasali sa paluwagan niyo.

Ibig sabihin yung mga na-recruit mo ang entry nila may porsiyento dun na magbabayad sa cellphone para sa iyo, at ganun din sa kanila sa mga recruit nila.

Kung gusto mo talaga magka-selpon ay you have to work para magkapera at mag-save para makabili ng cellphone. Hindi yung gagamit ka ng tao.

Also Read: 9 Reasons Why You Must Stop Joining Online Paluwagan


Free Sheet

Libre lang to! Claim Your FREE Paluwagan List Sheet Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
1 Comments
  • Unknown
    Unknown Pebrero 12, 2022 nang 1:51 PM

    Pwede po ba mag refund ng Pera s pluwagan dahil hindi po Nila aq Napa sahod sa Tamang date na dapat ay ako na ang sasahod sa paluwagan?

Add Comment
comment url