Mga Dapat Mong Malaman Bago Sumali Sa isang Network Marketing Business

network marketing


Ang isang Network Marketing ay magandang negosyo if you're doing it ethically. But if you do it the wrong way papangit lang ang reputation ng company lalung-lalo na ang pangalan mo.

Naalala ko pa noon nung una ko pang na-encounter ang network marketing. I was so hype sa mga lively na mga speaker sa mga seminar na nasalihan ko, mga perang malalaking halagang kikitain kung sasali ka daw, at iba pang mga promises.

Hindi naman ako sumali sa kanila kasi hindi naman in line sa hilig ko ang mga produkto. Pero gusto ko talagang sumali sa isa sa mga network marketing companies dahil sa mga pangako. Ngunit medyo naliwanagan ako nang may nagsabi sa akin na ang sa itaas lang daw ang kikita at ang nasa ibaba todo kayod.

Nalaman ko nalang din na yung mga kakilala ko na sumali ay unti-unting hindi na active sa sinasalihan nila.

Sa mga ganung pangyayari isinaisip ko kaagad na hindi pala madaling kumita sa business model na ito.

Kaya kung gusto mong sumali sa isang network marketing na negosyo, you have to ask yourself muna kung sa iyo ba ito. Alamin mo din kung anong meron sa business na ito.

Kasi ang klase ng business opportunity na ito ay hindi para sa lahat ng tao.

So here are the things you need to know before joining a network marketing business.



Not All Network Marketing Companies are Real


Kahit meron pa yang DTI, SEC at ano pang mga legal na papeles just to make it na totoo tingnan hindi pa rin yan totoo(motive) unless you check the company's background and the persons running it.

The legalities are not enough na okey na siya salihan. You have to know the persons running the company if they are mission-driven and have the ability to make the company running for a long time.

Signs of a Good Company Background


There is nothing wrong of being skeptical about network marketing kasi marami ng nagsusulputang "ground floor opportunities" - yung sunod lang sa uso na start-up companies - at karamihan nito will only last for two years.

In choosing a good company, the company should have a physical office kahit pwede ka namang mag-invite ng business partners through virtual presentations at magbenta online. This way malalaman mo na nag-exist talaga ang company.

To have an affordable na makamasang presyo ng produkto, the company should have its own manufacturing laboratory. Although di naman talaga required.

But if the company has no laboratory of its own at nag-outsource lang, make sure na ang napili mong company ay merong remarkable product na reasonable ang price. Mas maganda piliin mo yung produkto na match sa hilig mo. Sa ganito, hindi ka mahihirapang magbenta.

The company has already reached two years and still standing. Ang kompanya na umabot ng 2 years at nag-umpisa ng kumita - because during it's early years, the company will deal with start-up issues - ay may potential na, na maka-profit ang mga members nito.

[ I know some of you would choose to join kahit nasa early stage pa kasi at the back of your head you will get to the top. And being in the top ay siyempre secured ka na at malaki ang kita at less effort. But I'm sure you will never learn what marketing is. ]

But you have to avoid companies na matagal ng nag-operate inside the country because of market saturation. The company that has this momentum phase ay maliit nalang ang potential na kumita ka ng malakihan unless you like selling.

Pero kung gusto mo talaga sumali sa isang nag-uumpisa pa lamang na company is you should know what the risks are. Make sure na ang ini-invest mo ay mula sa extra mo lang na pera. [ probably the saturation is dahil sa recruitment not of products ]

The company training should have the latest marketing strategies. The training is not that wide kung puro lang pang motivational at offline strategies ang meron. Sa panahon ngayon the company must teach their members what blogging is, what SEO is, what email marketing is, at iba pang internet marketing methods. Kasi with these, you are attracting high quality people that likely to become your business partners someday.

The Morality of the Persons running the Company is what Makes it Real


One of the requirements aside from the legalities that makes the company real, are the persons behind the business.
  • Are they reliable ba?
  • Do they have good reputations?
  • Do they handle complaints?
  • Have they done it with integrity?
Please kindly check the owner and the utmost uplines with those questions above. Dito malalaman mo kung gaano katatag ang isang company at kailan ito magko-collapse.

Even the mission and vision statements are not enough. They should be proactive.

Expect The Amount of Work Involved


Hindi madaling kumita sa ganitong negosyo. It takes months and years before you can reap your bigger profits. But with dedication and focus you will have your reward.

Hindi madaling mag-recruit ng mga gusto talagang kumita, yung mga gusto ding matuto at dedicated. Unless kung wala kang isip at konsensiya, rerekrutin mo pati mga friends at relatives sa business by hyping and other enticing promises to get commissions at their expense and you will get to the top pa but after that, they are not happy after they realized na hindi naman pala madaling kumita sa network marketing. In the end, you compromised your name and the company.

Just think of inviting people to the business, you need to consume time and money just to communicate with them. Kailangan mo gumamit ng pera pang-load, pera pamasahe papunta sa opisina kung may meeting at training. Punta doon at dito - ma-drain talaga ang iyong energy, time and money.

This is not a business where you just sit down and wait for the money to come. Just like any other businesses kailangan mong ikayod.

 Manage your time and money well. Learn new things that would help your business grow without spending too much of your money.


Mostly of Network Marketing are based on Recruiting Business Model


Ito ang katotohanan, mostly of these mlm ay nakabase sa pagre-recruit. .

If you want to have a team of people selling for you, kailangan mo mag-recruit.

Pero malaki ang porsyinto na itong mga tao below you ay magre-recruit lang din at hindi magbebenta para lang malaking komisyon ang kikitain.

Kung lahat nalang naka-focus sa pagre-recruit, siyempre wala na tong pagkaiba sa pyramid scheme.


This is not a Get-Rich-Quick Business


Huwag kang ma-hype sa mga pinakita sa iyo sa seminar kasi hindi naman madali kitain yun.

At saka hindi naman lahat magkaroon nun lalo na sa baba ng heirarchy.

If your looking for a business na madaling kumita at yumaman, sorry hindi kabilang ang Network Marketing o multi-level marketing.

There is a huge amount of work you need to do because as I have said, This is not a business na after mo mag-join you'll just wait for the money to come.


The more Who Join Your Company, The more Competitors You Will Have


Sa industriyang ito, you are making your own competitors if you recruit more people. The only one that will be benefited more is the company.

Think of recruiting people in your local area, imbes ikaw lang ang nagbebenta ng produkto, mayroon ka ng mga ka-kompetensiya, thus, will decrease your own sales.

If you will not recruit and just sell, your income is not as big as those who created their sales force (downlines).

And this will make you think na mag-recruit nalang. Lalung-lalo na kung may sumali sa inyong lugar sa company na sinalihan mo, this will force you talaga na rekrutin ang mga tao sa inyo - baka maunahan ka ng ibang miyembro.

The only way para ma-minimize ang kompetisyon sa inyong lugar is to create a salesforce using bayanihan system. Hati-hati.


Only 1% Will Be Rich in this Business


This is true. Only 1 percent lang ang yayaman, 3 percent ang kikita ng malakihan and 97% will fail.

Sa negosyong ito mataas ang failure rate. Marami ang madaling mag-quit after 2-3 months after mahirapang kumita.

Ang numero unong rason na nakita ko ay hindi sila consistent sa sinimulan nilang negosyo. At isa ay probably sa pyramid structure ng business. At isa pa din hindi nila inaral kung paano magnegosyo, kung paano mag-deal sa mga setbacks at iba pang problema.

Another one pa rin is they don't use the internet. Sa internet marami ang strategies.


This is Not a Perfect Business Model


As you can see naman, this business has many loopholes na pede i-take advantage ng mga tao para sa kanilang interest lamang. One of these is ang pagre-recruit, na pede i-exploit ng tao para magka-komisyon lang.

Dahil sa kanyang structure na madaling ma-manipulate ng mga tao that's why marami ang hindi nagtitiwala sa network marketing.

For you to stand out is dapat ethical ang iyong pamamaraan. You should build relationship and trust to people. Do not focus on recruiting.
There you have it. If you want to join a network marketing, you must have a marketing plan, clear vision and consistent to be able to endure in this industry - because this is not a quick rich business.

Kung may gusto kang friend na maliwanagan, Please share this post. Thanks!

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe



Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url