How To Choose The Right Network Marketing Company in The Philippines
Please lang huwag kang maniwala agad sa mga nakakasilaw na pera, kotse at bahay. Bubusiin mo muna ang kompanya. Kung may nag-alok sa iyo na ganito ganyan kapag sumali ka sa kaniĺa - tingnan mo muna ang kabuoan ng company. Sa panahon ngayon maraming network marketing companies are built on hypes.
Noong dekada 90 konti lang ang mga networking companies and their products' prices were fair, and the people who are into this business are really doing the true intentions of a real network marketing company.
Marami ang negosyante na nakita nila ang potential ng business model na ito and they choose network marketing to distribute their products, and then marami nang nagsusulputang mga company na parang mga kabote.
As of today there are a hundred plus of network marketing companies around the country and still many are popping out.
So saan ba sa mga MLM companies sa bansa ang dapat mo pipiliin?
Basahin mo din to: Mga Dapat Mong Malaman Bago Sumali Sa isang Network Marketing Business
Below are the 11 guidelines on how to choose the right network marketing company in the Philippines.
#1. Legal
First thing na dapat mong malaman ay ang legaledad ng company. May permit ba ito na magpatakbo ng negosyo? Nag-comply ba ito sa mga legal responsibilities?
Ang pagka-legal ng company hindi lang mababatay sa mga legal na documents na nagpapatunay na isa itong legitimate na networking business, kundi pati na rin sa mga tao inside the company, especially the owner.
Even the company has complied all its legal responsibilities pero hindi naman ethical ang ginagawa nito - hindi siya matatawag na legitimate na business.
#2. May Office
Para malaman mo na nag-exist talaga ang kompanya at seryoso talaga ito sa negosyo kailangan may sarili itong opisina. Dito ma-evaluate mo na may posibilidad na pang-long term ang commitment ng nag-establish ng negosyo.
#3. Product
Ang isang legitimate na network marketing company ay dapat merong produkto o services. Dahil kapag wala itong produkto at umaasa lang sa recruiting, siyempre scam ito.
Ang produkto ba ay sakto lang ang presyo? Kung de calibre man ang produkto, hindi ba ito overpriced?
Dapat mo rin malaman kung paano sila nagkaprodukto at saan nila ito kinuha para malaman mo ang quality ng produkto.
#4. Accessible
Magandang salihan na company yung madali mong makuha ang mga produkto at serbisyo para less effort at hindi madaling ma-drain ang iyong energy at budget.
Ang opisina ay hindi malayo which require you to spend time, energy and money - mauubos kasi ng paunti-unti ang pera natin sa pamasahe o gasolina, lalung-lalo na ang energy natin.
With the help of internet and latest payment methods madali nalang ma-access ang training, info about the business opportunity at makuha ang commission. So kailangan meron ng ganito ang isang mlm company na gusto mo salihan.
#5. Marketing Plan at Strategy
Isa sa mga quality na kailangan meron ang isang networking company ay may paraan ito kung paano maibenta ang produkto, para kapag sumali ka alam mo kung paano patakbuhin ang negosyo.
Ang isang ethical na company kung magturo paano patakbuhin ang negosyo ay naka-focus sa produkto kung paano ito ibenta sa merkado. Hindi lang kung paano i-market ang company.
Kasi kapag ang marketing plan at strategy ay tungkol sa kailangan ka lang mag-invite ng dalawa ay siyempre nakabase ito sa recruiting - which is allergic tayo diyan.
#6. Compensation Plan
Kung gusto mo mag-invest at maging distributor, tingnan mo kung maganda ba ang komisyon kapag may isali ka na tao para maging salesman mo?
Sakto ba at patas kung magbigay ng discount sa mga produkto ang isang kompanya?
Pero dahil sa compensation na na-exploit ng mga kasali sa larangan na to - kasi to be honest para kumita ng husto ay you have to recruit compared to selling a product which is marginalized lang ang kita - ay naging pangre-recruit nalang ang aktibidad. Wala ng kaibahan sa pyramiding.
#7. Training and Support
Mahalaga na merong training ang kompanya para may kaalaman ka kung paano i-handle ang negosyo.
At kung may mga problema, matutugunan ba ito kung paano malutas ang isang issue.
Advantage kung ang kompanya ay gumagamit ng internet sa training at support sa mga member, para hindi lang lage pupunta sa opisina kung may training sessions o may problema sa negosyo.
Sa internet less hassle at accessible sa mga nagho-home-based.
#8. Registration
Isa din sa dapat natin tingnan kung ang registration o investment ay sakto lang ba o malaki, at mababawi ba agad ang pera na puhunan kung ibenta ang mga produkto na ibinigay after mag-sign up.
#9. Safety Net
Para madaling maka-recover o ma-sustain ang business kung may financial setbacks, isa rin tingnan kung may safety net ang company.
Ang safety net ng company ay pwede mula sa emergency fund, insurance, ibang negosyo o paglimita ng mga risks at exploitation sa sytem ng negosyo.
#10. Goal
Dapat din malaman natin kung ano ang mga future plan ng isang company. Ano ba ang mga plano nito para magtagal ang business. Ano ang plano ng company sa iyo.
#11. Fits Your Lifestyle
Para di ka mahirapan sa pagpatakbo ng negosyo at madali ka lang maka-adapt mas maganda piliin mo yung business opportunity na angkop sa hilig mo o sa ginagawa mo.
Kasi kapag angkop siya sa hilig mo di ka kasi mahihirapan magbenta ng produkto.
Tips
- Kung may napili ka ng network marketing company, piliin mo yung sponsor na hangad ay makatulong at hindi ka iiwan sa ere.
- Focus on the product kung paano mo to ibenta sa merkado. Huwag agad mag-distributor kung di mo pa alam paano i-market at bumuo ka muna ng customer base.
- Huwag mag-fulltime. Huwag mo i-give up agad ang trabaho dahil lang sa network marketing.
Last thoughts
Alam natin na ang network marketing ay hindi perfect at maraming kahindik-hindik na pangyayari sa larangan na to. Kung may nakita kang hindi kanais-nais huwag mong susundin.
Kung may kakulangan sa marketing punan mo para mahasa ang iyong entrepreneurial skills. Focus on how to sell the product. [ Kasi selling lang ang nakita ko na ethical sa negosyong to.]
Please don't forget to share this post to your friends na gustong sumali sa networking.