8 Reasons Why You Need A Facebook Group For Your Business
Kailangan din mapapunta sa opisina ang mga bagong kasosyo o ka-trabaho para ma-orient sa kalakaran sa negosyo o sa trabaho.
Mas maganda kung ang mga member ay may mga Facebook account, para kahit wala na sila sa opisina ay pwede pa rin makipag-interact sa mga kasosyo tungkol sa business.
Ang pagkakaroon ng isang Facebook group ay makakatulong sa negosyo na maging flexible at mapalawak ang marketing.
Below I share the 8 reasons that are beneficial to your business if you have a Facebook group.
#1. A Meeting Place
Aside from a physical office, kung saan magme-meeting ang mga katrabaho o business partners, mas maganda kung meron ding Facebook group para mai-share sa mga hindi nakapunta.
Para mai-share ang pinag-usapan sa meeting, kailangan mabidyohan ang pangyayari, para, para na rin silang nakapunta sa meeting.
Kung ang mga members ay hectic ang schedule nila pwede nalang pagdausan ang meeting sa Facebook group. Gumawa lang ng topic at ang bawat isa ay mag-interact through commenting.
#2. Give Updates
Kung may development sa business o merong upcoming events or any announcement, magagamit mo talaga ang fb group dahil may tool ito na gumawa ng event.
#3. Share ideas
If you have any suggestion na makakabuti sa negosyo, you can share it on your fb group para mapag-usapan kung angkop ba siya at makakatulong sa business. Ang fb group ay ang lugar kung saan pwedeng mailatag ng mga concerned na kasosyo ang mga kanilang proposal at konsepto.
#4. A Training Room
Facebook Group can also be your training camp for your team and for your new business partners. Pwede ka mag-provide ng mga training videos at mga files na makakatulong sa inyo na lumago.
#5. A Support Group
If there are complaints or inquiries regarding the business, the group can serve as a support or customer service.
#6. Helps Promote Products And Services
In your group hindi lang ang mga business partners ang kasali but also pwede niyo isali ang mga qualified prospects at mga tumatangkilik sa produkto o serbisyo ng inyong business. Dito minumulat niyo sila at hinuhubog to become loyal customers or future business partners.
#7. Helps You Save Money
If you compare using your physical office at Facebook Group, di ba mas magastos kung lage nalang sa opisina magme-meeting. Kung mga simpleng bagay lang ang pag-uusapan, why not use fb group. Sa physical office kasi, gagamit ka pa ng kuryente, gastos sa pamasahe, mapapagod ang katawan mo kung mula ka pa sa trabaho, at gastos sa snacks.
Kailangan i-segregate mo yung mga future meeting kung sa opisina ba o sa facebook group niyo nalang gagawin.
#8. Collect Feedbacks
From the inquiries and complaints and also opening discussions to gather information ay makakatulong sa business kung ano pa ang dapat i-improve sa mga produkto o sa mga serbisyo. Sa pamamagitan nito bumubuo ka ng solidong relasyon sa iyong mga customers.
READ: Ano Ba Dapat ang Ipangalan sa Facebook Business Page Mo
Final Thoughts
Kung may business ka dapat huwag mong baliwalain ang advantage ng pagkakaroon ng kasangkapan na ito sa iyong negosyo, dahil makatutulong ito na continuous ang communication ng business partners kahit wala na sila sa opisina. Sa pamamagitan nito, mapapanatili ang communication ng bawat isa.
As a result, you will have a good teamwork at relationship, at relationship sa customers din.