7 Reasons Bakit Nalulugi Ang Sari-Sari Store
Ang tindahan ay nakakatulong na ma-augment ang income ng pamilya. Nakakatulong ito na magbigay ng direktang supply ng pamilya sa mga pangangailangan araw-araw.
Pero may mga tindahan na nagsara at di nakausad dahil sa mga maling gawain na ginagawa inside their sari-sari store. Hindi nakapag-ipon nang maayos at nauuwi sa pagkalugi.
Kaya isinulat dito ang ilan sa mga dahilan na nakakapag-contribute kung bakit nalulugi ang isang sari-sari store.
#1. Pinipeste
Ang mga peste kapag ito ay nakapasok sa tindahan, binubutas nila ang mga panindang pagkain upang silay'makapasok at makakain. Ang karaniwan na mga pesteng gumagawa nito ay ang daga, ipis at langgam.
Kaya alamin mo kung may mga butas sa iyong tindahan kasi dun sila makakakita ng entry. Kapag natuklasan mo na, agad mo itong takpan. Tingnan mo rin ang mga lalagyan ng candy at mga matatamis na paninda kung ito ba'y sineselyohan ng mabuti.
Kung may basurahan ka sa bahay at sa tindahan kailangan tightly secured kasi pede ito pamugaran ng mga peste gaya ng ipis at langaw.
Tingnan mo rin kung may mga anay sa iyong tindahan kung ito'y gawa sa kahoy, kasi kapag kinain nila ang kahoy siyempre humihina ito at makakakita ng mapapasokan ang mga langgam at madali ring ngatngatin ng daga kasi malambot na.
Tip: Mag-alaga ng pusa sa iyong tindahan para kainin ang mga daga.
Tatlong pusa nakabantay sa tindahan ni Nanay Rosie |
Sa tindahan ni Nanay Rosie nakabantay ang pusa pero namimilegro ang ulam nila. |
#2. Kumuha ng item sa tindahan nang hindi binabayaran
Nandiyan yung sa tindahan tayo directly kumukuha ng mga item gaya ng sabon, shampoo, asukal, kape, gatas at iba pa na kailangan natin araw-araw. Pero unti-unting mawawalan ka nang puhunan at paninda kung hindi mo alam paano ito i-handle. Kung may kinuha ka man o isa sa iyong pamilya na hindi nagbabayad, kailangan mo itong ilista kung ilan ang kinuha na mga item.
Tip: Kung may kukunin man sa tindahan kailangan ito bayaran kahit ikaw pa ang may-ari para hindi mauwi sa pagkalugi.
#3. Kumuha ng pera para sa pamasahe at baon sa school
Isa rin sa mga nagdudulot ng pagkalugi ay ang kukuha ka ng pera para sa pang-baon sa school at pamasahe. Kaya kailangan ilista lahat ng kinuha ng pera at babayaran kapag nagkasuweldo na ang inyong breadwinner sa pamilya.
Tip: Huwag gawing only source of income ang tindahan.
#4. Mga customer na may amnesia
May mga customer na bumibili na kulang ang pera na kanilang dinala o malaki ang pera at wala kang pang-sukli kaya sasabihin nalang nila na babalik sila para magbayad sa kulang. Pero hindi na sila babalik. Nangyari na to sa mga tindahan at isa to sa mga diskusyon ng mga owner ng sari-sari store kung paano nila ito solusyonan.
Tip: Pababalikin mo nalang ang kustomer kung kulang ang pera niya o kaya'y malaki ang kanyang pera na dinala. Kasi kapag pumayag ka na kulang ang pera na kanilang binayad, may tendency na hindi na sila babalik. Maliban nalang kung mapagkatiwalaan.
#5. Bisyo
Naku isa to sa mga nakalugi talaga ng tindahan mo kung isa o marami sa pamilya mo ang may bisyo. Kukuha sila ng pera at barya sa tindahan upang magamit nila sa kanilang bisyo. Gaya ng naaadik sa computer shop, adik sa droga, yosi, sugal at iba pa.
Tip: Maglagay ka ng cctv para malaman mo ang mga kaganapan sa iyong tindahan.
#6. Utang
Hindi talaga mawawala na may mga taong gusto umutang sa iyong tindahan kung sila ay nasa sitwasyon na short ang kanilang budget. Pero hindi din natin maitatanggi na ang utang ay nakakalugi sa tindahan kung marami silang umutang at maliit lang ang iyong sari-sari store. May mga umutang na natapos nalang ang isang taon ay hindi pa nakapagbayad.
Tip: Kung magpapautang ka, piliin mo lang yung pede mo pautangin na sa tingin mo makakabayad sila sa itinakdang araw. Ang hindi makakabayad ay red flag na ito sa iyo maliban nalang kung may valid reason sila.
#7. Hindi ka nag-inventory
Ang pag-i-inventory ay importante para masubaybayan mo ang papasok at palabas na mga item at pera sa iyong tindahan. Sa pag-i-inventory malalaman mo kung ano ang kinita mo sa isang araw, linggo, buwan at taon. Malalaman mo kung ano ang mga laging binibili at mga hindi masyadong mabenta. Ilista mo lang lahat ng mga items na iyong paninda by categorizing at sa bawat may bumibili ilista mo din ang binili nila, anong presyo ito at anong araw ito nabili.
Tips: Gumamit ka ng spreadsheet na app o papel lang. May mga apps sa playstore na pang-inventory, familiarize mo lang at pilitin mong matututo para sa iyong tindahan.
Read also: Ibat-ibang Uri ng Customer sa Sari-sari Store
Conclusion
May habits pala na harmful sa tindahan natin na hindi natin pansin na unti-unting pumapatay sa tindahan natin. Kaya alamin natin ang mga activities na involve ang tindahan upang malaman natin kung ito ba'y nakaka-improve o nakakasira sa tindahan.
Nagbibilang ng naimpok na pera si Nanay Rosie |
P.S. Thank you for reading and I hope you find this post helpful.
Did I miss something? Please share your thoughts through the comment box below.
Credits:
Thumbnail, John Martin PERRY
Watch Cats, Crisanta Laresma Arevalo
Watch Cats and Counting the Tindahan Savings, Gemma Trambulo