10 Unique Types of Customers in a Sari-sari Store
Sa sari-sari store marami tayong makakasalamuha na mga ibat-ibang klase ng customer sa araw-araw. Bawat sa kanila ay may mga kakaibang ugali, hilig, paraan at kalokohan. Nariyan yung may makakalimot sa kanilang sukli. Meron din yung sasabihan kang ang mahal ng presyo at ikokompara ang iyong tindahan sa iba na mura ang paninda. May mga customer na bumabalik kapag sobra ang iyong sukli at ang iba naman hindi. May mga tambay na customer para mag-unwind, nakaupo sa bench na gawa sa kawayan habang ngumunguya ng biniling chichirya o di kaya’y tomotoma.
Kaya sa blog post na ito ating tuklasin ang mga unique na customer na na-encounter namin at siguro madalas niyo na ring nakakasalamuha tuwing may bibili sa inyong tindahan.
Coin trickster
May mga tao o bata na bumibili kapag hindi ka alisto ibang barya ang ipambabayad sa iyo. Minsan ang ipambabayd nila ay token, lumang barya o barya ng ibang bansa. Kaya tingnang mabuti ang mga barya kapag inabot na sa’yo bago ilagay sa lalagyan ng pera para hindi ka ma-scam.
Pinoy henyo player
Ito yung ikaw pa ang manghuhula kung ano ang bibilhin nila. Tingnan ang dialgue ng customer at tindera sa ibaba.
Customer: Tao po.
Tindera: Ano po ang atin.
Customer: Pabili po ng sardinas.
Tindera: Anong sardinas po?
Customer: Family.
Tindera: Pula o green?
Customer: Spicy po.
Di ba mas madali sana kung sasabihin niyang bibili siya ng Family sardines na pula o Family Sardines na spicy.
Late shopper
Ang late shopper ay customer na gustong bumili kahit na sinarado mo na at pinatay ang ilaw sa tindahan. Kapag nakita ng late shopper na hindi pa pinatay ang ilaw sa bahay at naririnig niya na naka-turn on pa ang TV, dito magkaka-idea siya na hindi pa natutulog ang tindera o tindero sa tindahan.
Explorer
Sila itong mga customer mo na kapag bumibili tinitingnan lahat ng paninda sa tindahan, lalung-lalo na yung mga bata kung bumibili, lahat ng paninda tinitingnan nila na parang may hinahanap. Kapag may ganito kang mga customer, advantage ito dahil pwede nila makita ang mga paninda mo na wala sa ibang tindahan. Mostly sa mga ganitong klase ng customer makakapagsimula kang magkaroon ng conversation sa kanila dahil magtatanong sila at mabibigyan ka ng pagkakataon na mag-sales talk at mag-build ng relasyon.
Brand-dependent
Naalala ko noon na ang tawag namin sa refrigerator ay Frigidaire kahit yung refrigerator namin noon ay White Westing House. Nahawa yata ang mga pinoy sa mga kano na kahit anong brand ng refrigerator meron sila, Frigidaire ang tawag nila nito.
Katulad din sa tindahan may mga customer na brand-dependent. Isa sa mga experience ko ay may bumili ng toothpaste, sabi ng kapit-bahay naming babae na bumibili, “Meron kayong colgate?”, kaya kumuha ako ng gunting para gupitin sana ang twin pack na sachet ng colgate pero sabi niya “Hindi yan, yung colgate na Unique”. Pero tumawa siya dahil alam niyang mali ang bigkas niya, hindi pa rin nawala sa bibig niya ang pagtawag nito na colgate kahit aware naman siya na ang Colgate ay isang brand ng toothpaste .
Isa pang experience namin may batang bumili ng diaper, ang sabi niya “pabili po ng pampers na EQ.”
Pakipot
May mga customer na regular na nagbabayad ng kanilang mga utang. Meron din yung short talaga ang budget at humihingi ng palugit para makahanap ng paraan para mabayaran ang utang sa tindahan.
Pero may unique na mangungutang na pagkatapos umutang sa tindahan ay mahirap nang mahagilap. Kailangan mo pang suyuin para lang maipa-alaala sa kanila ang kanilang utang na lampas na ng dalawang buwan hanggang sa ikaw nalang ang mahihiya na maningil.
May amnesia
May mga umutang na parang wala lang, umabot nalang ng 5 years hindi pa rin binayaran ang kanilang utang. Ang mga ganitong mangungutang ay evolution din ng mga pakipot na mangungutang. Meron ding umutang na may selective memory, sasabihin ng nangutang na hindi daw niya inutang ang ilan sa nalista mo sa tindahan.
Cross-shopper na utanger
Ang mga cross-shopper ay mga customer na kapag may hinahanap na item, hindi lang sa isang tindahan sila maghahanap.
Isa sa mga halimbawa, sa carbon market dito sa cebu city, kaming mga mamimili, bago bumili ng item, ay palipatlipat muna kami ng mga tindahan bago makapagdesisyon kung saan kami bibili – kasi pinipili namin kung saan kami makakamura at makabili ng dekalidad na produkto.
Pero iba itong cross-shoppers na utangers, dahil pinipili muna nila kung saan sila pwede makakautang. At kapag iyong pinautang, malalaman mo nalang na bumili sa ibang tindahan kahit meron ka namang paninda na kanilang gustong bilhin.
Isa pang halimbawa kapag hindi mo pinautang sa produkto na gusto nilang utangin, pupunta sila sa ibang tindahan para hindi umutang kundi bumili ng produkto na gusto sana nilang utangin sa iyo.
Promise-breaker
May mga bumibili na kapag kulang ang kanilang pera na dala, sasabihin nila na ibabalik na lang daw yung kulang pero hindi naman pala totoo. Kaya kung may bibili at sabihan kang ibalik ang kulang, huwag kang pumayag, dapat bumalik muna sila na kompleto na ang kanilang pera.
Bill swapper
Ang mga bill swapper ay yung bumibili ng item sa tindahan na ang perang ginamit ay malaking denomination tulad ng 500 o 1000. Halimbawa may bibili ng snow bear, bali tatlo, at ang pera na ipinambayad ay 500 bill. Ginawa lang ito para mahati-hati ang pera into smaller denominations. Kaya, magkakaproblema ang tindahan sa pang sukli.
Basahin mo din ito: 6 Important Steps Bago iabot sa Customer ang Paninda
Thank you for reading! Please don't forget to share this to your friends.