5 Tips Para Maka-ipon Agad Ng Pera Galing sa Sweldo
Marami pa ring mga tao na hindi makapag-ipon ng maayos kahit malaki naman ang sweldo. Ang ilan pa nga hanggang ngayon mabilis pa rin maubos ang pera hindi man lang umabot sa katapusan ng buwan. Ito’y sa kadahilanang maling pag-practice nila sa paggamit ng kanilang sweldo. Nangingibabaw sa kanila ang emotion-led action kaysa rational-led decision.
Huwag igasto agad ang pera pagkatapos makuha ang sweldo
May mga tao na pagkatapos matanggap ang sweldo ay bumibili agad ng kung anu-ano o kumain sa labas nang hindi man lang nakapag-budget. Huwag natin itong tularan, lalung-lalo na iyong mga taong pagkatapos makuha ang sweldo ay di mapigilang bumili ng alak, happy-happy agad ang nasa utak. Ang ending walang naimpok na pera para sarili.
Huwag lahat ng pera ilagay sa pitaka
Ang pera na mula sa sweldo ay di lang dapat naka-istambay sa pitaka na naghihintay kung kailan kukunin dahil kung ganun, kuha lang tayo ng kuha sa pitaka kung matukso tayong bumili ng mga bagay na naibigan.
Tigilan ang utang
Hindi dapat tayo mangutang sa dahilang may pambayad tayo mula sa sweldo. Kung mahilig mangutang ng kung anu-ano dapat itigil na ito. Ito lang ang sisira ng pagka-organisado ng budget natin. Ang pera na sini-set aside sana natin para sa mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at pagkain ay makakaltasan tuloy dahil sa utang at gagawa lang ito ng problema sa atin. Maganda lang ang utang kung ito’y para sa negosyo.
Itigil ang bisyo
Ang bisyo ay magastos at kakain ng pera natin. Maging dahilan pa ito ng maagang pagkakasakit.
Let’s say, ang bisyo natin ay paninigarilyo at gagastos tayo ng 15 peso per day, dahil tatlong beses tayo maninigarilyo sa isang araw para lang pampawala ng stress, kaya sa isang buwan 450 pesos ang magagastos natin. Di ba malaki pa rin, sa 450 na yan pede ka na makapag-avail ng microinsurance.
Paano nalang kung may bisyo ka pang iba, wasak ang budget.
Bawas-bawasan ang convenience sa buhay
Nandiyan yung gumagamit tayo ng mga devices o services para mapadali ang mga gawain at makapag-save ng oras pero ito din ay kakaltas ng malaking bahagi sa ating budget kung ito ay nilalagi.
Gaya nalang ng lagi sa laundry shop ipinalaba ang mga damit dahil mabilis. Pero kung tayo nalang ang maglalaba hindi tayo gagastos ng malaki.
Ilang mga convenience sa buhay na dapat natin bawasan na kakaltas sa ating sweldo ay :
- Spotify subscription
- Netflix subscription
- Vacuum Cleaner
- Aircon
- Washing machine
- Kumain sa labas
Last word
Dapat mauna ang pag-budget, pangalawa ang mag-save ng pera, at yung mga personal expense ay nasa huli at dapat maliit lang ang share ng personal expenses para maliit ang tsansang ma-prioritize ang bisyo.
Gumawa ng ibat-ibang lalagyan ng pera pagkatapos makuha ang sweldo. Iba ang lagayan ng pera para sa bayarin para sa kuryente, tubig at pagkain, iba rin sa matrikula, iba sa personal na gamit at walang lalagyan para sa bisyo.
Dun kana kukuha ng panggastos sa sarili after mailagay sa ibat-ibang lalagyan. Gumamit ka rin ng Budget Calculator na ginawa ko para mas madali lang ang pagkwenta.
Walang mali sa pagbili ng mga comfort food after matanggap ang sweldo kasi makakatulong ito na ma-ease yung stresses galing sa work, pero dapat paalalahanin ang sarili na mauna muna ang pag-budget para sa mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at pagkain.
Nice one