6 Important Steps Bago iabot sa Customer ang Paninda
Bago muna iabot sa mga bumibli ang kanilang gustong bilhin sa sarisari store, dapat may mga policy at hakbang na kailangan ipatupad upang hindi malugi ang tindahan at ang mga mamimili naman ay hindi madidismaya.
Makakatulong ang mga hakbang na ito para hindi maloko ang nagbabantay ng tindahan ng mga ilang pilyong customer at mga scammer na may balak manlinlang.
Kapag ang nagbabantay ay hndi alisto, pwede siyang maloko.
#1. Bayad Muna Bago ibigay ang Paninda
Pagkatanong kung ano ang bibilihin, dapat hindi muna iabot sa bumibili ang item. Kailangan makita muna at mahawakan ang pera para malaman ng tindero o tindera kung gaano kalaki ang perang dala ng mamimili.
May mga tao kasi na pagkatapos makuha ang item ay ginamit agad nila ang kanilang binili. Magugulat ka nalang na pag inabot na sayo ang bayad kahit candy lang o isang yosi ang binili, isang libo pala ang pera.
Hindi ka na tuloy makakatanggi dahil kino-consume na nila ang kanilang binili. Mapapaisip ka tuloy kung ito ba’y sinasadya nila.
Sa mga magpapa-cash in sa Gcash at ibang e-wallet dapat bayad muna para hindi ma-scam .
Kung malaking halaga ang pera na dala pwede mo tanungin kung may mas maliit pa siyang pera pambayad, pwede rin tanggihan dahil wala pa munang pang sukli.
Ang mga candy, pisonet at piso tubig vendo machine ay makakatulong para magkaroon ng maraming barya pang sukli.
#2. Check Muna ang Pera
Pagkakuha pa lamang ng pera, i-check agad kung ito ba ay legit na pera at walang punit. May mga bumibili kasi na tinupi ang perang papel at di madaling makita na may damage na pala.
Sa mga barya din dapat tingnan ng mabuti baka may halong token o barya ng ibang bansa.
Tips: Bigkasin ang pera na natanggap mula sa customer para ipa-verify sa kanya ang natanggap mong pera para iwas scam o di pagkakaintindihan.
Para malaman ang tunay at peke na pera, bisitahin mo ang mga page nato:
Money Tips https://marlonizer.wordpress.com/2013/12/15/episode-28-money-tips/
BSP explains how to identify fake money https://www.youtube.com/watch?v=XRyvG-y86WA
#CurrencyLEGITeracy https://www.bsp.gov.ph/Inclusive%20Finance/EFLP/Currency_Academe.pdf
#3. Double-Check Expiration Date at Condition
After ma-check ang bayad, ang item naman na bibilhin ng customer ang dapat i-check para iwas makapagbigay ng expired na produkto.
Tips: Gumamit ng magnifying lens para hindi mahirapan sa paghahanap sa mga letra kung saan nakatatak ang expiration date.
#4. Tamang Paraan ng Pagsusukli
#5. Paki Double-Check ang Sukli
Pagkatapos makuha ang perang isusukli sa kustomer, bilangin mo ito ulit sa harap niya na nakalatag isa-isa sa ang bawat halaga para makita niya at ipa-verify mo sa kanya.
Kapag sumang-ayon na siya, pwede mo na ibigay sa kanya ang sukli. Sa paraan na ito, maiiwasan na oobligahin ka ng bumibli na magdagdag ng pera kung kulang daw ang sukli dahil pina-verify mo na sa kanya at hindi siya makakatanggi.
Tips: Makakatulong na may CCTV camera para mamonitor ang bawat transaction.
#6. Si Customer ang magsulat ng kanyang utang
Kung may gusto mang mangutang at sa tingin mo kaya ng tindahan mo na magpautang, ang nangutang ang dapat magsulat ng kanyang uutangin na item.
Sa papel kung saan doon nakasulat ang mga utang ng customer, nandoon din dapat ang mga pirma niyong dalawa.
Wrap up
Sa mga steps na isinulat sa itaas, nakita natin na nakakatulong ang maga iyon na maiwasan na maging biktima sa mga scam tulad ng pekeng pera, palit-pera at ipit-pera modus. Makakatulong din na masigurado na ang produktong naibigay ay nasa maayos pa na kalidad.