3 Bagay Na Di Dapat Pag-Usapan Sa iyong Sari-sari Store

 

Picture na may title ng post na may lalaki at babae na nag-uusap sa harap ng tindahan

Sa pagbabantay ng tindahan hindi maiiwasan na makipag-convo tayo sa ating mga customer at mga kapitbahay. Tinatalakay natin ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng impormasyon at kasiyahan. Nakakawala kasi ito ng bagot at stress, at pampalipas oras din habang nagbabantay sa tindahan. Sa Radyo, TV, Newspaper at Social Media – dito natin nakukuha ang mga pinag-uusapan natin. Pero di natin namalayan na nadadala na tayo sa mga tinatalakay natin at dahil dito nag-share tayo ng ating opinyon at saloobin na pwede humantong sa mainit at emotional na diskusyon.

Pulitika

Hindi maiiwasan na sa sari-sari store, may mga customer tayo na mag-oopen ng isang topic tungkol sa kanilang napupusoang mga kandidato. Pati tayong mga tindero’t tindera meron ding napupusoang kandidato. Pero dapat ang isang may-ari ng tindahan ay hindi vocal sa kanyang napiling kandidato para hindi maka-offend ng mga customer. Iwasan din na malagyan ng poster ng mga kandidato ang tindahan.

Relihiyon at Paniniwala

Lahat ng tao ay may paniniwala, kaya bilang isang may-ari ng tindahan maging maingat sa mga binibitawang salita tungkol sa mga pinaniniwalaan dahil hindi lahat ng customer natin ay katulad ng ating paniniwala. Baka ma-offend lang sila kapag masigasig tayo sa ating paniniwala. Ang tindahan ay hindi venue para pag-usapan ang mga doktrina o paniniwala ng ating kinaanibang simbahan. Kung makipag-usap tungkol sa religion, dapat ecumenical ang approach.

Chismis

Iwasan ang chismis sa tindahan dahil baka pag-ugatan ng away. Makinig lang sa tsismis pero huwag ipasa. Pag nalaman ng pinagtsismisan na isa ka sa mga nag-chismis tungkol sa kanya, maaring mawalan ito ng gana na bumilli pa sa iyong tindahan.


Last words

Ang may-ari ng tindahan ay makinig lamang sa mga opinion ng mga tao lalo na sa mga customer na madamdamin sa kanilang paniniwala sa relihiyon, pulitika, chismis, sekswalidad at lahi. Huwag kang pumanig at maglabas ng iyong paniniwala. Hangga’t maari maging neutral na lamang kung ikaw ay nasa loob ng tindahan. Ang pagsari-sari store ay klase ng negosyo na nagsisilbi sa lahat ng customer.

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url