Why Having a Blog is Necessary To Your Network Marketing Business

 

lalaking nag-blog gamit ang laptop

If you want to reach a larger audience to expand your influence, kailangan magkaroon ka ng blog. I saw some pinoy network marketers who called themselves Entrepreneurs and yet wala naman silang blog to provide value sa mga gusto nilang matulungan kung paano patakbuhin ang business.

Lage nalang nila prene-present ang pangalan ng kompanya - na maganda raw ang compensation plan, products at system - which is mali ang paraan nato.

If you believed that you are an entrepreneur and has an open mind - kasi ito ang laging sinasabi ng mga networkers na dapat open-minded ka - dapat may blog ka.

Sa panahon ngayon na nasa internet age na tayo dapat gawin din natin ang mga ginagawa ng mga leaders na successful sa online marketing, kasi some of them are from network marketing industry.

Ang mga leaders na'to are successful with their blogs. That's why you too should have a blog like the leaders, because all leaders have a blog.

Stand out from the crowd

Dahil talamak na ang network marketing companies sa ating bansa at karamihan sa mga networkers ay nagbebenta ng kani-kanilang mga produkto at nagre-recruit ng mga downlines, why not blog? this way iba ka at unique. Sa blog ene-explain mo ang mga detalye about networking.

You help people

With your blog makakatulong ka by writing posts on free tips and advices sa mga tao na gusto magkaroon ng ekstrang income. Tinutulungan mo ang mga tao kung paano patakbuhin ang isang network marketing business.

To brand yourself

Kahit ano pa diyang business opportunity meron ka, kahit gaano pa ka amazing ang company at mga produkto na inaalok mo, eventually, people join people. 

Before you sell ng kung anu-ano mula sa company na sinalihan mo, sell yourself first muna.

Alam mo hahanap pa rin ang mga tao kung sino ang gusto nilang ka-partner sa negosyo. They care less about your company because they are concerned more on what you can do for them.

Hahanap pa rin sila kung sino ang mapagkakatiwalaan, makakatulong at may kaalaman.

Isa pa hindi natin alam kung kailan magtatagal ang isang negosyo but with your personal brand ito ang magtatagal ng maraming taon.

You Have Your Own Space In The Internet

Well, alam natin na natutulungan tayo ng mga social media gaya ng Facebook, X(formerly Twitter), Tiktok, Instagram sa ating negosyo. Pero hindi atin yun at limitado ang pwede nating gawin. But with a blog ikaw ang nagmamay-ari, ikaw ang masusunod at kontrolado mo.

You Inspire People

Writing blog posts about your network marketing journey, and your ups and downs about your business, ay makakatulong sa mga tao na maka-relate sa'yo. Pwede ka rin magsulat ng mga itorya ng mga taong successful sa industriya. Magsulat ka rin ng mga motivational at self-improvement na blog posts.

Build A Tribe

Sa pagkakaroon ng blog you are building an audience that like to listen to your stories, people who are interested in what you are writing. Di mo na sila dapat hanapin dahil ang blog mo ang bahala na mag-filter sa mga interesado at sa mga hindi.

Tip: Aralin mo ang SEO para magkaroon ka ng mga visitor sa iyong blog na kahit di ka maghanap na mga bisita para sa blog mo, sila na mismo ang lalapit sa iyo. 

Your Business is Still Running Even If You Sleep

Kahit na natutulog ka pa ang blog mo ay bukas sa publiko 24 hours a day. Siya na ang maghahanap ng prospects para sa'yo kahit wala ka sa harapan ng computer. Your blog is one of the tools that automates an online business.

You Don't Have To Spend More Money And Time

Unlike sa offline na paraan ng paghahanap ng magiging business partners, na kailangan mo gumamit ng maraming pera gaya ng gastos sa pamasahe, pang-snacks para sa iyong mga prospects, bakit di mag-blog? -mura lang at you don't have to spend more than 1,000 pesos a year kung sa blogging ka mag-invest (Ang 1000 pesos ay applicable lamang kung sa Blogger ka mag-blog dahil domain name lang ang gagastuhan).

Yang 1,000 pesos na yan madali lang yan mauubos kung offline mode ka.

Remedy For Gradual Losing of Your Time, Money and Energy

This is the truth when you're in a network marketing business, gradually malulusaw din ang pera mo, at energy kasi little by little, uubusin talaga sila.

Am I telling the truth?

Yes! Kasi Networker din ako.

Friend, if you're in an offline mode always, come to think na kailangan mo gumastos ng pera everyday just to get to the office sa company niyo bringing with you you're prospects - ikaw ang babayad sa pamasahe n'yo, snacks, meals at paglo-load ng celpon mo para lang may pangtawag ka sa mga gusto mong kontakin - everyday you are doing these.

Ilan kaya magagastos mo?

Everyday you work to find potential partners. These all will burn you out and in the end, you will feel exhausted. Kasi ang hirap pala maka-prospect. At saka prospect palang yan ha at hindi pa business partner.

Cold calling, hotel meetings, launching and opening of company branches, flyering, seminars... are very TIME CONSUMING, MONEY EATERS, and ENERGY DRAINING, which in the end will WEAR YOU DOWN.

Para di mo lage gawin ang mga ito, you need a blog and learn a little about SEO para sila na mismo ang lalapit sa iyo at magtatanong about your networking business.

Used As A Training Center

Sa blog mo you can utilize it as a free training camp to your potential prospects by writing helpful blog posts and filming training videos for them.

Your Center Of Activity In The Internet

Kung nahihirapan ka kung ano ang i-post sa social media na sa tingin mo is productive, why not focus on your blog and start making blog posts. This way may maipo-post ka na sa social media and in return may visitors ka pa sa blog mo.

For Credibility

People with blogs are attached to professionalism. Kung may blog ka you will be regarded as a leader. They will think that you are devoted to a long-term commitment.

If people will found out na may blog ka, they perceived you na willing ka mag-improve and competent.

Will Keep You Motivated

Sa blog you can express your thoughts kung bakit nasa industriya ka ng pagnenetworking. Motivated ka magsulat dahil pwede ka maka-atrract ng mga potential na mga customer o member.

Last Thoughts

Friend 'wag mong isipin na isang trend ang blogging kasi it helps you reach a wider audience. I think it is necessary na to have a blog if you want to stand out from the pack.

Blogging is not impossible kasi you have to search lang naman sa google kung paano mag-blog.

Sabi ng mga mentors that blogging helps to position you as a leader. Establish yourself in the internet now. Gumawa ka na ng blog and let's talk.

P.S. If you think na may natutunan kang bago sa sinulat kong ito at gusto mo rin ibahagi sa mga friends mo, Please share this post. God Bless!


Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url