Why Post with Multiple Photos on Facebook Gets High Engagement
- ConvinceandConvert.com says Photo album posts increased clicks by 1290% more than single photo posts and increased reach by 5.1 times.
Everytime na mag-scroll down ako sa newsfeed ko sa Facebook, napansin ko lagi na kadalasan sa mga friends ko ay nagshe-share ng albums or multiple photos mula sa isang post lang, mapa-personal page man o fan page.
Ito na ba ang trending ngayon?
Paramihan ng mga photo sa post dahil yun ay uso sa tingin ng mga facebooker?
Ang kagandahan sa pamaraan na to ay mas-madali ito makakuha ng pansin. Bakit kaya?
Nung napansin ko na talaga na dumadami na ang nagpo-post ng album at multi-image sa isang post lang ay binisita ko na agad ang mga yun kung bakit marami ang nagre-react sa ganung klase ng post-marami ang nag-like, nag-comment at libu-libo ang share sa isang post lang na may maraming photo.
This Health Tips by Leian Prado got 36k shares on Facebook. |
After ko mabisita ang mga post nila, may konti akong nalaman, kaya pala maraming nag-share ay dahil hindi lang pure photos ang sine-share nila kundi may mga texts din tungkol sa photo-which add more value - kaya tuloy nag-convince sa mga dumalaw sa mga photos na i-share ito, i-like o mag-comment.
No Bake Yummies album of Beth Celis garnered 37k Reactions,1.3k Comments ang 460k Shares. |
Isa pa sa napansin ko na sa tuwing may nakikita tayo na sine-share na album o maraming picture sa isang post lang ay nagbibigay sa atin ito ng curiousity na i-click ang mga imahe para makita kung ano pa ang nandun. Kaya ang nangyayari, nag-i-increase ang post clicks.
Sa picture album may makikita kang numero na magpa-prompt sa'yo na i-click pa ang picture. Sa ganun makikita mo pa ang ibang pictures. Dito mag-i-increased ang post clicks.
So hindi ito isang trend, kundi isang taktika na mag-uudyot sa atin na mag-click sa multi-image post para makita pa ang ibang mga picture.
Kasi usually kapag nag-upload tayo ng maraming photo sa post natin ang lumalabas lang ay hanggang lima na imahe lang, dalawang malaki sa taas at tatlo na maliit sa ibaba, at yung pang-lima na imahe ay may numero na nag-indicate kung ilan pang mga imahe ang hindi mo pa nakita na kasama sa post-kaya nagpu-push ito sa atin na i-click ang pa ang mga imahe para makita pa natin ang ibang photo (May ibang photo na isa lang ang malaking imahe sa itaas at tatlo sa ibaba, yun po nakadepende sa laki ng pixel).
So dito sa tingin ko nagpapataas ito ng post clicks dahil nga sa taktika na mag-uudyot sa atin na i-click ang imahe. Kung maraming imahe mas tataas ang posibilidad na i-share ang post. Alam mo iba-iba ang mga gusto ng tao-kung like niya ang photo i-share niya to, pero kung di naman deadma lang, pero dahil sa maraming photo sa isang post-maraming tao na iba-iba ang taste ang masasakop niya. Kaya ang mangyayari, marami ang post clicks, pag maraming post clicks lalaki ang posibilidad na may mag-comment, mag-like at mag-share. Lastly lalawak ang mare-reach at pwedeng maging viral.
Ikaw po ginawa mo din ba to?
May alam ka bang ibang paraan para mapalaki ang engagement ng post mo sa Facebook?