Why Writing Down Your Goals is Powerful To Your Success
But what is that thing na mag-force sa atin na kumilos?
Is it our burning desire ba na mag-success? or the zeal to do something to reach that goal we want? or sawa tayo sa kasalukuyang trabaho dahil hindi sapat ang income?
Lahat ng mga yun tama, pero by writing down our goals we will have clarity kung saan sa mga goals natin ang dapat uunahin. Mas mapu-push tayong i-achieve ang mga ito dahil nakasulat at nakikita natin.
May direction na kasi ang araw natin kung ano ang dapat gagawin. Marami tayong goals sa buhay pero dahil sa utak natin to inilagay may tendency na malilimutan o parang magkakaroon ng overload dahil wala ng space for creativity and ideas.
Malawak nga ang utak pero kapag pinagsabay naman natin at ipilit na gumawa ng creativities and ideas from these goals mapapagod talaga ang utak mo. Dahil diyan, matatagalan kang maabot ang goal mo.
Dagdagan pa ng mga distractions babagal talaga o madedelay ang dapat sanang gawin para maabot ang goal mo.
That's why we should write down our goals para malinawan tayo kung ano ang dapat natin gawin sa araw-araw at malaman kung saan sa mga ito ang uunahin.
Ang pangarap natin mananatiling pangarap nalang kung hindi isulat as a goal at isasabuhay through action.
What will happen if we write down our Goals
Kapag simulan natin isulat ang mga goals natin ang mangyayari magma-manifest ito sa atin. Magdudulot ito na gagawin mo ang goal mo dahil klaro na sa iyo kung ano ang importanteng gagawin mo. Focus ka na sa task which is to implement your goal.Ang isa pang mangyayari ay pag sinimulan mong isulat ay sasabog ito at gagawa ng mga serye ng pangyayari.
At ang mga pangyayaring ito ay productive. These events will change talaga your life.
I will give you a scenario ha to give you clarity.
We assume that one of your goals is kailangan mo kumita ng 2,000 in just a week dahil may nagustuhan kang opportunity o negosyo.
One of your goals also is magka-laptop dahil kailangan mo ito sa negosyo na papasukin mo. Another is gusto mo magkaroon ng trabaho.
So isinulat mo ang mga goal mo at pumili ka kung alin ang uunahin mo. Ang napili mo ay yung kumita ng 2,000 in a week. Siyempre di mo maa-achieve yung goal mo na pagkakaroon ng laptop dahil wala kang pera. Yung goal ng pagkakaroon ng trabaho ay medyo malabo din maabot dahil wala ka pang pera na gagamitin para sa pamasahe at requirements.
So ganito ang pag-write down ng goals mo:
- Magkaroon ng 2,000 Pesos in a week.
- Magka-laptop
- Magkaroon ng trabaho
Para magkaroon ng 2,000 ang gagawin ko ay:
a.) Magbenta ng scrap sa junkshop
Ano ang ibenta ko sa junkshop:
- lata
- plastic
- diyaryo
- scrap metal
b.) Magtinda ng ice water
Materials:
- plastic
- water
- refrigerator
Sino ang bibili?
- Mga taong nauuhaw
Saan may mga taong nauuhaw?
- Sa palaruan tulad ng basketball court.
Paano para madaling mabenta?
- Ilako sa mga lugar sa barangay kung saan may mga basketball court.
c.) Mag-garage sale
d.) Magtinda ng barbecue
Materials:
- karne
- sauce pang marinade
- stick
- uling
- grill stand.
Saan ipepwesto para magtinda?
- Sa lugar kung saan may maraming tao.
[ pwede pa to mag-expand depende sa gusto mong level of clarity ]
Your situation in this scenario talaga ay you have to start from scratch. Wala kang trabaho at nakadepende ka muna sa parents mo.
Kaya ang una mong ginawa agad ay magbenta ng mga lata, plastic, diyaryo at kung anu-ano pa na pwede ibenta sa junkshop.
Kumita ka naman from selling scraps kaya lang konti. Let's say kumita ka lang ng 100 pesos.
So you ask yourself paano ka pa kikita.
Kaya ang 100 mo ay ginawa mong puhunan sa pagbenta ng ice water.
- Bumili ka ng plastic para sa ice water.
- Bumili ka din ng tubig mula sa tap water.
- Dahil wala kang refrigerator, bumili ka ng ice na pampalamig sa ice water mo. Dahil wala kang ice bucket na sisidlan ng ice water na ibebenta mo, balde nalang muna ang ginawa mong paglagyan ng ice water.
Ngayon tinanong mo naman ulit ang sarili mo saan mo to ibenta at sino ang mga may gustong bumili ng ice water mo.
At naisip mo na ibenta sa mga lugar kung saan may mga taong nauuhaw, at isa sa mga yon ay ang basketball court kung saan may mga naglalaro at may mga mauuhaw.
Dahil ang goal mo ay kumita ng 2,000 sa isang linggo ay pursigido kang ilako ito sa mga sitio ng iyong barangay kung saan ang kada sitio ay may sariling basketball court.
Sa ginawa mong ito, kumita ka ng 100.
Nagbenta ka din ng mga gamit mo na di mo na pinakikinabangan na sa tingin mo ay pakikinabangan ng iba, kaya nag-garage sale ka. Dito pinapalagay natin na kumita ka ng 300.
Napatanong ka naman ulit kung ano ang gagawin mo sa tumubo na pera.
Dito napag-desisyonan mo naman na magbenta ng barbecue. So pumunta ka sa junkshop at ikaw naman ang bumili. Bumili ka ng malaking lata para mag-improvise ng pang-grill ng barbecue. Bumili ka ng kahoy pang grill stand. Nilinis mo ito at bumili ka rin ng screen, karne at iba pang pede gawing barbecue. Bumili ka rin ng sauce, pang-timpla, uling at stick. Kumita ka ng 170.
After nito just day one from scratch nagkakapera ka ng 670 (estimate from selling ice water, scraps, lumang gamit at barbecue minus 30 pamasahe sa merkado pambili ng ingredients at gamit).
The second day nag-barbecue ka nalang at nagbenta ng ice water at kumita ka ng 270.
The third day hanggang 7th day kumita ka ng 1,350. Ice water sa araw at barbecue sa dapit-hapon hanggang gabi.
So all in all kumita ka ng 2,290 Pesos.
Here's the Computation:
1st day
Selling scrap =100
Selling ice water =100
Garage sell =300
Barbecue =200
Fare Deduction =30
Total =670 Pesos
2nd-7th day
Barbecue 200 x 6 =1,200
Ice water 100 x 6 =600
Minus Fare 30 x 6 =180
1200 + 600=1800
1800 - 180= Total 1,620 Pesos
670 + 1620=2,290 Pesos ang nalikom mong pera in a week.
Sa 2,290 mo tutubo pa yan dahil dito pede mo na maa-achieve ang ikalawang goal mo which is yung business na gusto mo o gagamitin mo pang-apply ng trabaho para maa-achieve din yung goal mo na makabili ng laptop. At pag nabili mo na yung laptop siyempre bibilis ang takbo ng negosyo.
O di ba, sa proseso pa lang in reaching our goal productive na. Each event kumikita ka. Yung pagbili mo ng lata sa junkshop para gawing pang grill - it was an idea. Pagkatapos mo gawing grill stand - it is creativity. If we write down kasi our goals ang mangyayari it free up rooms sa brain natin kasi isinulat na natin at yung na-empty na spaces ay magagamit mo in thinking of creativities and ideas. So hindi ka mapapagod sa kakaisip because you have clarity kasi tingnan mo nalang sa papel.
Techniques to achieve fast your written goals
Mag-set ng deadline
Nakita mo naman above sa scenario na nag-set tayo ng deadline na within one week kailangan magka-2,000. Sa ganito napu-push natin ang sarili na gumawa ng hakbang para mapadali ang paglikom ng gustong amount ng pera.
Alarm yourself for the last two days
Para masmapadali pang ma-achieve ang goal, mas maganda kung i-alarm mo ang iyong sarili gamit kung anong timer meron ka. By alarming yourself for the last two days bago ang deadline makagawa ka pa ng paraan kung paano mapadali ang pag-abot ng ninanais mo.
Achieve one goal at a time
Focus on one goal lang muna huwag mo lahatin dahil madre-drain lang ang utak mo. Unahin mo lang yung importante, na pag yung importante ang inuna mo maaapektuhan ang iba mo pang goal na mapabilis ang takbo ng pag-aachieve nila. Tulad ng scenario sa taas na ang inuna ay ang pagbebenta ng mga bagay, scrap at ice water para kumita na pwedeng gamitin sa iba mo pang goal-pang-apply sa trabaho o pag-invest sa isang business opportunity.
How to get into the habit of writing down your goals
If you want to have the habit sa pagsusulat ng mga goal mo ay think about what you should do today that is productive, isulat mo, kung marami isulat mo pa rin. Isulat mo rin yung mga hilig mo. Pati mga positive qualities mo isulat mo.
Write a journal or diary. Gumawa ka ng blog sa blogger or sa wordpress.
Magsulat ng mga katanungan at isulat ang mga sagot. Sa ganitong paraan mahahasa mo ang utak mo kung paano ilalabas ang mga idea at creativity.
Alam mo yung mind mapping? Ito yung isulat mo yung idea o goal mo sa isang malinis na papel at e-encircle mo siya. Pagkatapos magsulat ka din ng word na konektado sa una mong isinulat at sumulat pa ng iba at isangasanga mo sila parang mga atoms. Ito ay napaka-powerful talaga dahil makikita mo ang lahat na pede mangyari sa isang word lang na isinulat mo. Napaka-epektibo nito na mag-stimulate ng ideas at creativities.
Photo screenshot from simple mind.An android app for mind mapping
|
Friend napaka-powerful ng simpleng pagsulat ng ating mga goal. Sa pagsusulat ng goal natin maraming lalabas na ideas. At pag ikinilos mo mas lalo pa itong magiging malinaw at roduktibo.
Alam mo ba according to research by Dominican University na pinangunahan ni Dr. Gail Matthews, isang psychology professor ng California, na ang mga taong nagsusulat ng kanilang goal ay masmakaka-accomplished kaysa sa mga hindi isinulat ang kanilang mga goal.
Kaya kailangan talaga isulat natin ang ating mga goal para mas malaki ang tsansa nating magtagumpay.
Our success is largely determined on how clear we are to our goal.
May goal ka nga pero di naman maabot-abot kasi you are not clear kung kailan mo to aabutin at bakit gusto mo maabot ang goal.
Kaya isulat mo na. If you write your goals down you will have a boost of clarity.
Tips
Write and rewrite your goals down. Dito makikita mo ang pede pa idagdag sa goals mo at pede na burahin dahil natapos o di na kailangan.
Review your written goals always, the more you review it, the more it becomes clearer and precise.
Celebrate your progress kahit konti, reward yourself naman tulad ng bumili ka ng ice cream o gumawa ng spaghetti para kainin, para naman ma-appreciate mo ang each small but productive na progression.
Before I will wrap this up bibigyan kita ng konting exercise para maranasan mo kung paano ma-change ang buhay mo by writting down your goals.
#1 .First make a list of ten goals na klaro sayo na gusto mo.
#2. Then pumili ka ng isa sa sampu na sa tingin mo will make the the biggest impact on your life this week or this month or this year at isulat sa ibang papel.
#3. Lagyan ng mga sagot ang napili mong goal kung paano mo to ma-accomplish.
You can download free goalsetting sheets here:
https://www.smart-goals-guide.com/free-goal-setting-worksheets-forms-and-templates.html
Sa akin kasi ito ang goal ko. I want to be an internet marketer. So gumawa ako ng blog sa blogger. Tingnan ang mga related answers sa mind mapping picture ko.
Thank you for reading this post! Please don't forget to subscribe to this blog.
very informative thank you for sharing, the best way to make you happy is to love yourself and to love what you are doing. Treat yourself because you deserve it check out your next best property here cheapest house and lot for sale cebu city