Bakit Kailangan Mo Mamuhunan Ng Oras Sa Networking
Hindi sa lahat ng oras ang kailangan mo lang gawin ay ang mag-advertise sa mga social media at facebook groups ng produkto o services na iyong binibenta.
Kailangan mo rin gawin ay bumuo ng relasyon sa mga tao para magkaroon ka ng koneksyon.
Importanteng gawa sa tiwala ang binubuo mong relasyon para solido ang pundasyon nito.
Tulong
Sa networking ang una mo talagang gawin ay tumulong at hindi agad kung paano ka kikita. Sa pagtulong ang impresyon ng tao sayo ay ikaw ang taong makakatulong sa kanya dahil ang tao ay sumasali hindi sa business kundi sa taong nakakatulong.
Dahil dito, ang taong tinutulungan mo ay bibili ng produkto at services mula sayo dahil nalaman nila na makakatulong ang ina-alok mong opportunity.
Mahihingian ng payo
Sa pakikipag-networking marami kang taong makakasalamuha at ilan nito ay mga matagumpay sa kanilang negosyong pinasukan. Pede ka sa kanila humingi ng payo kung paano nila napalago ng mabuti ito at ano ang mga remedyo na kanilang ginawa sa bawat hamon sa kanilang negosyo.
Opportunities
Sa pakikipag-networking maliban sa negosyo mo makakakita ka din ng mga bagong opportunity na pede mo isabay at dagdag kita ito sayo. Siguraduhin mo lang na hindi ito conflict sa isa mo pang negosyo.
Business minded
Karamihan sa mga taong nakikipag-networking ay utak negosyo. Kapag itong mga tao ang ilagay mo sa circle of friends mo siguradong marami kang malalaman sa larangan ng pagnenegosyo.