Saan Makikipag-Networking Para Mapalawak Pa Ang Iyong Koneksiyon

Vector Graphic - Networking ng mga tao


Kung nagmamay-ari ka ng isang maliit na negosyo,ang networking ay isang murang paraan upang i-promote ang inyong negosyo.

Sa pamamagitan ng networking, makakatuklas ka ng mga bagong pagkakataon, bumuo ng customer base at makahanap ng bagong mga supplier at mga kawani.

Maaari ka ring makahanap ng mamumuhunan at mga kasosyo sa negosyo.

Ang networking ay mahalaga lalo na kung ikaw ay nagpapatakbo ng isang negosyo sa bahay.Dahil dito ay maaaring kumonekta ka sa mga katulad mo at para makatulong sa iyo na malampasan ang mga potensyal na isyu kaugnay sa pagiging nagtatrabaho ng nag-iisa.

Ang mga opsyon sa Networking ay malawak at patuloy na nagbabago. Maaaring kailanganin mong i-research kung anong opsyon sa networking upang gumana at kung alin ang pinakamahusay na angkop sa iyong negosyo.

Kapag magsimula kang mag-networking, malamang magsisimula kang makatanggap ng mga marami pang imbitasyon mula sa mga tao na makilala mo. Bago mo ito malaman, ang iyong networking group ay lumalaki na.

Kumperensya at events

Ugaliing regular na pumasok sa almusal, mga seminar, lektura at pananghalian na hawak ng iba't-ibang mga groups.Ang mga kaganapan na ito ay karaniwang inilalathala sa mga pahayagan, business and trade magazines o sa online. Maaari kang mag-imbita ng iba na katulad sa larangan mo o mula sa iyong lokal na lugar na dumalo rin.

Kung confident ka, pwede kang mag-sponsor ng isang event para sa mga tao sa iyong industriya, o kahit isa para sa industriya ng iyong mga kliyente o mga supplier. Maaari ka ring magpatakbo ng iyong sariling event.

Business Contacts

Kung ikaw ay masyadong abala para dumalo sa mga maraming event, tumutok sa pagbuo ng mga relasyon sa loob lamang ng 3 o 4 na mga importanteng tao.

Palakasin ang iyong kaugnayan sa mga contact na mayroon kang magandang relasyon . Makipag-tulungan sa mga contact na may pareho sa iyong problema upang matulungan ang bawat isa.

Asosasyon sa Industry

Isang magandang ideya na sumali sa mga networking group sa pamamagitan ng mga asosasyon ng mga industriya. Pagsali sa mga grupong ito ay makakatulong sa iyo para magiging updated sa mga pagbabago sa iyong industriya, at maimbitahan sa mga networking event.

Networking groups

Pagsali sa mga networking group ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon upang makasalamuha ang mga tao mula sa isang malawak na hanay ng mga maliliit hanggang katamtamang laki ng negosyo.

Kontakin ang iyong kasamahan sa industriya at business contacts sa industriya o maghanap sa online upang malaman ang mga networking na nababagay sa iyo.

Online networking

Mga online site na social networking (tulad ng Facebook at LinkedIn) ay kapaki-pakinabang na kasangkapan para sa mga negosyo upang lumikha ng mga network (sa ibang mga negosyo at mga asosasyon ng industriya) at follow up sa mga bagong contact.

Pagkonekta sa iyong mga online na industriya ay makakatulong sa iyo para maging updated sa mga event. Maaari ka ring mag-sign up sa online na mga newsletter mula sa mga asosasyon ng mga industriya at iba pang mga negosyo at makatanggap ng regular na mga update tungkol sa mga kaganapan at mga opportunities.

Personal Contacts and Social Events

Pagne-networking sa pamamagitan ng mga kaibigan at pamilya ay maaaring maging isang mahusay na paraan upang magtatag ng malakas na relasyon ng negosyo.

Baka makasalubong mo ang isang tao na maaaring maging kapaki-pakinabang para sa iyong negosyo, o ng isang tao na pwede kang makatulong sa kanyang negosyo, sa isang social event.

Kung bumuo ka ng isang kaugnayan sa kanila at magpalitan ng contact details, pwede ka mag-arrange ng opisyal na meeting sa kanila sa susunod.

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url