Gusto Mo Mag-invest Lang Ng Walang Ginagawa

Dalawang tao. Ang isa inaantok.

Napag-desisyunan ko na sumali sa mga online networking business dahil sa mura lang ang investment at madali lang mag-market dahil sa kapangyarihan ng internet na malawak ang abot, na kahit nasa bahay ka lang abot ang malalayong lugar kung may gusto kang ilalathala tungkol sa business opportunity na sinalihan mo.

Pagkatapos mag-sign up sa isang opportunity nag-undergo ako ng online training. At di lang yan nag-research pa ako tungkol sa company na sinalihan ko at nag-research din all about network marketing and MLM businesses para lang ma-familiarize ko ang kalakaran ng mga business na sinalihan ko.

After mag-training inumpisahan ko na agad ang pag-advertise ng business opportunity ko para makabuo ng team at may nag-i-inquire naman about sa ads na pino-post ko sa mga group.

Pero isa sa mga nakakadismaya na characteristic ng mga nag-i-inquire ay gusto lang nila mag-invest sa isang business na kikita sila pag-maglagay lang ng pera na walang ginagawa.

Meron bang business na ganun? wala naman diba?

Kaya nga tinawag syang "business" dahil sa root word pa lang na BUSY, kailangan mong maging busy para lumago ang negosyo mo o ang team mo di ba?

Kahit na may spill over pa o ang upline mo ay maglagay ng tao para sayo ay kailangan mo rin kumilos para constant ang pag-usad ng team, negosyo at company.

Paano na kaya kung lahat ng sumasali sa isang network marketing ay ganyan ang lahat ng mindset na hindi kumikilos, uusad kaya ang company?

At lalung-lalo na sa sarili mo mag-improve ka ba kung ganyan ka?

Malamang maging tamad ka lang at hindi marunong makipag-teamwork.

Kailangan mong ilagay sa mindset mo na sa isang company lahat kumikilos para maka-produce ito ng produkto at makabenta.

Kahit nga may-ari ng companya ay kumikilos din at abala sa kung paano makabenta, mag-advertise etc....


Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url