Lahat Ba Talaga Kumikita Sa MLM

Picture na nakasulat ang title ng blog post na to

Gusto mo ba talagang malaman kung lahat ng sumasali sa MLM ay kumita at yumayaman? Kasi marami ka nang narinig at nakita na may mga taong kumikita at nagkaroon ng magandang buhay dahil sa MLM. 

May nag-explain na din ba sayo at gustong i-recruit ka kung gaano daw kaganda ang business opportunity na inaalok ng nag-introduce sayo? 

Well, ang sagot diyan ay yes, meron ngang mga kumikita at nagkaroon ng magandang buhay. Lahat pede kumita, pero ito ang katotohanan, sa isang MLM company hindi naman lahat yumayaman dahil ang nasa itaas ng hierarchy lang ang maaaring kumikita ng malaki. Sa middle part di masyadong malaki at pede mas malaki pa nga ang nagagastos sa pagpapatakbo ng business dahil sa pamasahe,pang snack ng prospect, papunta sa office dahil sa training at samahan ang prospect sa seminar at bumili ng load para makontak ang mga prospect etc... 

At yung mga nakikita mo na nagkakotse at nagpapakita ng pera hindi naman ibig sabihin na lahat magkakaroon din dahil iilan lang yun. 

Pag lahat ng lugar ay namamarketan na, mahirap ng makakita ng prospect at customer yung nasa ibaba, at para kikita lang sila kailangang i-maximize nila ang kanilang effort para maibenta ang produkto.

Meron pa diyang nalugi dahil traditional na paraan ang ginagamit nila to market their products which make them to spend money bigger than the amount they pay for investment sa MLM company na sinalihan nila para lang makabenta at makapang-recruit. 

Sa MLM meron ngang kumikita ng kalakihan pero alam mo ba na only 3% lang ang kumikita ng malaki at nagiging successful.(kasi traditional ang paraan) 

So ibig sabihin sa 1000 na sasali sa isang MLM company tatlo lang ang magiging successful. Kung ikaw pala para maging successful at kumita ka ng malaki kaysa nagagastos mo sa business na to ay kailangan mo mag-recruit ng 333 ka tao. At kung gusto mo namang may matulungan kang lima ka tao sa first level mo para maging successful ay kailangan mo mag-recruit ng 1,165 ka tao.

Nakakakonsensiya ba? sa dami ng tao na pede mo mapasali sa business opportunity na to iilan lang ang magiging successful. I'm not here being negative; I'm just telling you the truth; Isa rin akong MLM guy. May sinalihan nga akong isang networking company at nagustuhan ko ang produkto dahil kumita naman ako pang stretch lang ng budget at may mga digital na products pang kasama - though there were times na nag-focus ako on recruiting - pero itinigil ko na dahil mali ang estilo ng pangre-recruit ko at natutunan ko din na may mga ethical na paraan para makakuha ng prospect. 

At isa pa, kaya maraming nag-fail sa network marketing ay dahil they don't invest in themselves while they are doing their business, but rather focus on how to recruit more para lang kumita, at ang masama pa dito ay deceptive ang paraan ang kanilang ginagamit gaya ng manood daw kayo ng sine, kumain sa jollibee, mag-post sa fb groups na job opening pero networking pala. 

Meron din diyang namimigay ng flyers at kumausap ng mga tao which consume your time and money a lot. Itong mga paraan na to will drain talaga your money and energy and will even hurt your business.

Kaibigan if you really want to venture in this kind of business sige go lang I'll support you cheer pa kita but huwag kang gahaman and also equipped yourself naman with the right tools hindi yung nakakaperwisyo ng tao, yung ethical at professional na paraan ang gamitin mo. Magbasa ka ng ebooks para madagdagan pa ang kaalaman mo, pero piliin mo lang yung ebooks na dapat mo basahin na isinulat ng mga entrepreneur dahil sila talaga ang mga nakakaalam, dahil sa experience nila, huwag dun sa mga publisher lang dahil boring basahin wala kang makukuha na tamang kaalaman sa kanila trust me. 

So friend kung sa tingin mo para sayo ang network marketing at gusto mo mag-invest sa business na to sana maging ethical at in accordance kay God ang mga paraan na ginagamit mo. It takes time talaga para maging successful ka sa isang business kaya take patience lang muna. Alam ko magiging successful ka rin with the right attitude, mentality at right information. Kaya nga nauso na siyang tawaging networking ang MLM at tinatawag din na Network Marketing dahil nakikipag-connect ka sa mga tao, gumagawa ka ng personal na relasyon di ba. So invest din muna in creating a network. And make sure ang produkto ng sinalihan mo ay nakakatulong talaga sa tao at hindi overpriced. Yung marketing strategy din ay hindi traditional para bawas gastos.

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url