12 Best Business Ideas for OFWs That Will Give Them Sure Profit

building view from the top


One of the smart ways to earn bigger income na madalian sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay ang pagtatrabaho sa ibang bansa. This is the best option sa mga pamilyado na gustong mapataas pa ang income at makapag-ipon ng pera pang-puhunan sa negosyo sa ikling panahon.

I have seen na marami nang mga tao ang kumikita sa mga negosyong 'to after nila maka-ipon ng sapat na pera pampuhunan ng negosyo para sa kanilang pamilya.

While they are working abroad hindi lang sa allotment naka-depende ang kanilang pamilya na naiwan sa Philippines, kundi meron itong pinagkukunan ng pera dahil may business sila. Ginamit lang nila ang pag-a-abroad as source of capital. Sa ganito, napaaral nila ang kanilang mga anak sa desente na school. At kung mag-resign o mag-retire na ang OFW na nagtatrabaho, wala na itong pinoproblema kung wala na siyang trabaho.

Rooms for Rent

This is one of the best stable na negosyo na kailangan ipundar ng isang OFW, dahil sa aking obserbasyon sa mga nakikita ko na mga nagtratrabaho abroad, after nila maka-ipon ng sapat na puhunan bumili agad sila ng lupa at pinatayuan ng bahay para gawing paupahan at talagang okey ang negosyong ito. Monthly may kita sila. Ang ginawa lang nila para mapalaki pa ang kita ay ginawan nila ng maraming rooms ang bahay at dahan-dahan na pinalaki by extending upward hanggang third floor.


Sari-sari store/ Mini-grocery

Pinaka-easy na i-set up na negosyo na kahit kunti lang ang puhunan ay ang sari-sari store at pede pa palakihan into a mini-grocery store. Pinamahala nila ito sa kanilang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas. Ang negosyong ito ang pinakamadali na pamamahalaan kung wala pang karanasan ang OFW sa pagnenegosyo. Nakakatulong ito na maka-ambag sa tustusin ng pamilya.


Vehicles for rent

May mga OFW na bumibili ng sasakyan para hindi gawing luho kundi para iparenta sa kasal, beach outing, lipat-bahay service o anumang okasyon na nangangailangan ng sasakyan. Sa aking obserbasyon mas magandang bilhin ay van, multicab at pang-taxi - dahil pang-masa. Example, yung multicab gawing pampasahero under a boundary system.


Piggery/ Livestock/ Poultry

Hog raising is also a profitable kung may alam ka kung paano patakbuhin ang pagbababoyan at pede mo ipamahala sa iyong mga kamag-anak while working abroad. Ang kailangan lang ay you have a spacious land at advisable na malayo sa city kasi medyo maamoy ang negosyong ito para di makadisturbo sa mga tao - Pero sa maamoy nandun ang pera.

To know more about sa pagbababoyan:
http://agrichculture.com/capital-requirement-piggery-business/


Fiesta and Party Supplies

Ito maganda din tong negosyo if you are living in a populated area. May mga tao na hindi maka-afford bumili ng mga gamit ng maramihan kaya they opt to rent nalang.

Ang pinaka-common na supply na nirerentahan ay ang mga monobloc na lamesa at upuan. Ipapa-renta mo lang ang mga ito at kikita per table at per upuan. Aside sa tables and chairs pwede rin magparenta ng mga houseware, camera for party documentation at sound system.

For more lists, see the pdf below.


Farm 

Marami nang naging successful na ofw sa farming and one of them is ex-ofw turned farmer Noel Cabrera, the owner of Cabrera's farm sa Solano Nueva Vizcaya. He worked 9 years sa Taiwan and then nag-decide siya na mag-farming sa kanilang lugar. Para maging successful siya, inaral niya lang kung ano ang mga makabagong paraan ng pagsasaka.

To know more about Noel:
https://www.philrice.gov.ph/ex-ofw-finds-fortune-in-the-farm/


Flower Garden

Flower garden is also a profitable  na negosyo kailangan lang bumili ng ofw na saktong laki ng lupa at ide-develop niya ito. At kikita siya when people pay for an entrance fee. Like sa  Sirao Flower Garden – Little Amsterdam sa Cebu City.


Junkshop

Ang pagka-scrap trading ay maganda ring negosyo dahil hindi ito maa-out of trends. Hindi man ito elegante kung tingnan na business pero marami nang tao ang natutulungan nito na mapagaan ang buhay.  Isa na nito ay si Jeanilyn Bermudez, isang overseas Filipino worker sa Singapore who employed five adults and 17 students sa kanyang junkshop.




Internet Shop

Makakatulong ang internet shop if you are an overseas worker. Ipapamahala mo lang ito sa iyong pamilya and make sure that they understand the discipline in running this business. Ideal place for this kind of business is near sa school or any place na foot traffic is malaki. Kung gusto mo mag-put up ng ganitong negosyo, please listen to those who have the experience in running the business and not to the salesmen.

This Facebook group can help: https://www.facebook.com/groups/479996588733051/


Beach Resort

This is a very lucrative business. You don’t have to have a white sandy beach resort para maka-attract ng mga customers. Kasi sa mga amenities mapapanalo yan. Although this will cost a million of peso but once mapatakbo na. Tuloy-tuloy na ang kita. Ang tinutukoy ko ay hindi yung resort na bonggang-bongga, yung lang pang-masa maganda na. Mas mura kung bilhin ay yung beach lot lang muna and just gradually pagandahin mo nalang.


Construction and Building Supply

Basically you can start  this kind of business sa capital na more than 300k but I saw some started less than 100k and napalaki nila ang negosyong ito. Nasa diskarte lang talaga at tiyaga. They chose strategic location na sa tingin nila ay lumalaki ang population. They can even compete sa mga hardware sa malls kasi of accessibility.


Water Refilling Station

This is also one of the businesses na easy to manage once you know the processes. Kahit dalawang tauhan lang pwede nang mag-run. The startup capital ranges from 100k – 300k. Just to start you don’t need a delivery truck, if you’re short on budget kahit motorcycle na may side car ok na – marami ako nakikita ng naka-side car lang dito sa amin.



Last word

Sa mga negosyong ito di lang naka-depende ang pamilya sa Pilipinas sa kanilang mahal sa buhay na nagtatrabaho abroad kasi meron silang negosyo. It helps na ma-mitigate yung burden ng ofw as the main breadwinner.

Ang kagandahan sa mga negosyong ito ay merong silang kita buwan-buwan na pede i-roll yung pera by making another business para di na kailangan pang magtrabaho abroad kung sa tingin nila maaari na nilang tumigil kung stable na ang pera na kailangan. Even while working abroad they can still run some of these businesses by letting their loved ones manage their negosyos.

P.S. If you find this post helpful, Please do share this, especially to your friends na mga OFW..


Receive FREE updates on helpful articles like this when you  Subscribe to Negosyo Republic

Did I miss something? Please share your thoughts through the comment box below.

Basahin mo din to: 12 Helpful Tips To Boost Your Sari-Sari Store Sales


Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url