Mga Rason Kung Bakit Nahihirapan Kang Mag - ipon

Babaeng may alkansyang baboy



Ito ang mga rason kung bakit nahihirapan tayong mga pinoy na mag-ipon. Ginawa mo naman na mag-ipon pero wala namang naipon. Ipon kanang ipon pero walang nangyayari. Ang tanong saan ba napunta ang inipon na pera?

So below are the reasons kung bakit hindi tayo makaipon nang maayos.

Nasobrahan sa gimik


Ito ay isa mga rason kung bakit hindi ka makaipon ng maayos nang hindi mo namamalayan. Hala gala doon gala dito. Hindi ka aware na every time may pupuntahan ka gagastos ka. Hindi mo siguro namamalayan dahil na-feel mo naman na hindi kalakihan ang ginagastos mo, pero nababawasan ng unti-unti ang iyong pera.

Hindi naman masama kung gumala kasama ang mga kaibigan kasi kailangan natin makikipag-socialize dahil nakakatulong ito sa atin psychologically. Nakaka-lighten ito ng mood natin at nakakawala ng depression. Pero kapag nasobrahan, depression din ang aabotin mo dahil pagkatapos sa mga gimik mo, back to zero ka naman at maghihintay ka na ulit ng sahod mo.

Mahilig mangutang


Utangero utangera this is what we are. Walang pinoy na nabubuhay na hindi pa nakapangutang. Kailangan natin to kung short ang budget. Pero dalawang klase ng pinoy when it comes to handling the utang. First ay yung utang lang ng utang sa mga bagay na naibigan at hindi nagplano kung paano bayaran. Ang isa naman ay yung umutang para patubuin ang inutang na pera. Ito ay ginamit niya para magtayo ng negosyo. Example: houseloan para ipatayo ng bahay upang gawing paupahan.

Sugal


Ang pagsususgal na inakala mo ay katuwaan lang at pampatanggal inip ay magbibigay sa iyo ng iba pang problema. Di ka makapag-save ng maayos dahil malaki ang posibilidad na mapupunta lang ang extra mong pera sa bisyo na to imbis na iimpok na lang. At kung mauubusan ka ng pera na pang-sugal ay madali mo nalang kunin ang mga inipon mo na pera. Kung maubos na ang inimpok mo na pera, ang madali mong isipin ay uutang ka para may pangsugal.

May bisyo


Ang bisyo talaga ay demonyo sa buhay ng tao. Hindi lang ito nakaka-apekto sa atin financially, pati health at spiritual mo sisirain nito. Eh, paano ka makaipon ng maayos kung ang pera mo ay mapupunta lang sa bisyo. Isa sa mga nakakamatay na bisyo at kakain ng pera mo ay ang sigarilyo.

Dito sa cebu, may isang brand na yung sampung peso mo is equal to 3 sticks ng yosi. Let’s say 10 peso everyday ang magagastos mo sa pagsisisgarilyo, sa isang buwan gumastos ka ng 300. Imbis na ipinambili mo na lang sana ng food supplement – iwas sakit ka pa.

Below is a table to give you clarity kung magkano ang magagasto mo sa mga bisyo na iyan. The numbers are estimation ko lang na sa tingin ko pinakamalapit sa exact na amount.

Bisyo Day Month Year
Sigarilyo 10 280-310 3,650
Dota 20 560-610 7,300
Laklak 50 1,400-1,550 18,250
Droga 500 14k-15.5k 182.5k-186k

Mainggitin


Ang pagiging mainggitin sa mga bagay ng iba ay hindi maganda dahil kung iisipin mo ng mabuti, once na magugustuhan mo rin kung ano ang meron sila ay siyempre mag-re-required ito ng pera. So maglalabas ka ng pera para mabili mo kung ano ang meron sila.

Lalo na ngayon na meron nang social media, ay madali mo nalang makikita sa Facebook kung ano ang pinopost ng mga tao, na para bang open book ang buhay nila. Sa katotohanan hindi naman pinopost yung hindi maganda kundi mga kagandahan lang.

Isa pa kung ano ang uso gusto mo meron ka din. Hindi ka naman mamatay kung wala sa uso ang bagay na nasa iyo basta ba nakakatulong ito sa buhay mo.

Huwag sobrang mabait


Ito yung pagkatapos mong matanggap ang sweldo ay nanglibre ka kaagad ng pang toma sa iyong mga kabarkada. At sa mga ofw naman na bumalik bansa ay nagpamudmod  kaagad ng mga mamahaling pasalubong. At tuwing may fiesta ay kailangan galante ang handa.

Hindi naman masama kung manglibre at mamigay ng pasalubong basta lang hindi naapektuhan ang pagse-save mo ng pera at hindi nakaka-strain sa budget mo.

Gusto lagi masarap ang kinakain


Sa mga nakita ko yung mga tao na ayaw kumain ng gulay ay sila rin yung hindi makapag-ipon ng maayos dahil gusto nila karne at masasarap  ang ulam nila. Meron namang masasarap at mura ng pang-ulam na binebenta sa tabi-tabi gaya ng mga nagsusulputang mga crispy fried chicken stands, siomai at iba pa, pero hindi naman maganda sa kalusugan kung lagi mo itong kinakain araw-araw. Kaya sa bandang huli mauuwi lang sa pagkakasakit kung lagi mo itong inuulam.

Wala kang side income o negosyo


Marami sa atin ang nahihirapang makapag-ipon kahit may trabaho naman. Hindi dahil sa kung gumasto ay parang mayaman kundi marami lang talagang pinagagastuhan para makausad sa buhay. Kaya habang hindi ka pa nakapag-asawa ay kailangan meron ka nang pinaplano na negosyo para hindi ka mahihirapan kung magkakapamilya ka na.


Assessment para hindi ka mahirapang mag-ipon


Para hindi ka mahihirapang mag-ipon ay i-assess mo muna  kung ito ba’y:

  • Naibigan mo lang. Ask yourself kung nagustuhan mo lang ba to o kailangan talaga sa buhay para worth na bilhin.
  • Dahil lang nasa uso. Dito di mo kailangang makiuso, ang importante ay may masusuot ka o may makakain. Although you have to be aware of the latest trends to check kung may mga features na makakatulong sa buhay mo.
  • Kailangan. Dito you are setting your priorities than sa mga naibigan mo lang. 
  • Magbibigay sa iyo ng sakit in the future. Gaya ng ipagpatuloy mo ba ang bisyo na eventually magkakasakit ka lang. Kaya iimpok mo nalang yung pera.
  • Tataas ba ang value habang tumatagal ang panahon. Dito iisipin mo muna kung ang bagay na bibilhin mo ay tataas ba ang value after mo mabili. Lupa, ginto, bahay - ang mga ito ay tumataas ang presyo sa paglipas ng panahon. Example ng mga bagay na after mo bilhin ay bumaba agad ang value ay smartphone, kotse at appliances.

Final word

Kaya ugaliing mag-ipon kasi isa to sa mga paraan na may makukuha tayong pera kung may mangyayari na di natin inaasahan sa ating buhay. Aaminin man natin o hindi may mangyayari talaga sa atin dahil mortal tayo at hindi tayo invincible.

Free Ebook

Libre lang to! Claim Your FREE Ebook Now by Joining Our Email List!

Subscribe
Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url